Chapter 44

766 17 1
                                    

Swear

[Louise's POV]

Nagtataka naman ako na pagpasok namin ni Maine sa may maliit na bar ng hotel ay walang tao dun when dapat ay sa ganitong oras ay meron na.

"Hindi ba nag-open ang bar ngayon?" Nagtataka kong tanong habang naupo naman kami sa may isang mesa sa may tapat ng mababang stage.

"Naka-reserve kasi itong bar para sa yo."

Nagulat ako. "Hah?! Para sa akin? Bakit?"

Sandaling natahimik si Maine then nag-smile siya.

May narinig akong boses mula sa likod ko.

"Kasi mag-so-sorry ako."

Bigla akong lumingon at nakita ko si Corin na nakatayo sa likod ko lang. "Corin?"

"Sorry Louise." Tintigan ako nang malalam niyang mga mata. "Sorry sa nangyari kanina."

"Hah?"

At moment ay natulala ako then naisip ko. Wala namang kasalanan si Corin. Ako lang naman iyon. Nag-isip kasi ako nang ahead.at nag-over react.

Huminga ako nang malalim. Marahang tumayo at lumapit kay Corin. "Wala ka namang dapat ihingi ng sorry sa akin. Ang OA ko lang talaga kanina. Sorry."

Umiling siya. "Sorry pa rin. Patawarin mo muna ako."

Naguluhan naman ako dun. "Haha... ano ba kasi iyon?" Pilit akong ngumiti. "Sige na nga. Kung anuman yan okay na. Tinatanggap ko na ang sorry mo."

Ngumiti na si Corin. "Salamat." Pinaupo niya ako sa may pwesto ko uli kanina. "Actually, kaya ako nag-sosorry kasi binalak talaga namin ni Jonas na pagselosin ka. Hindi nga lang sa ganung paraan. Pero atleast nagselos ka pa rin."

Gulat akong napatingala sa kaniya. "Ano?!"

"Kain ka na Louise." Agaw pansin naman ni Maine.

Saka ko lang napansin yung mga foods sa harap namin. Naupo na rin sa tabi ko si Corin.

"Hinanda niyo ba ito?" Nagtataka kong tinignan yung dalawa.

Ang weird nito.

"Hindi ako magaling magluto." Ani Maine.

Tumango si Corin bilang pag-sang-ayon.

"E, sino ang nagluto?"

"Ang dami mong tanong. Kumain ka na lang kaya kasi kami din gutom na." Sansala ni Maine then nauna nang kumuha ng pagkain.

Ramdam ko na rin ang gutom ko kaya kumain na rin ako. Hindi uso sa amin ang diet-diet.

Hihi...

Mayamaya pa'y tapos na kaming kumain. Dumating na sina Simon, Angel, Kiel at Henry.

"Anong meron? Bakit kailangan i-reserve ang bar?" Curious ding tanong ni Angel.

Obviously ay wala din siyang alam sa nangyayari.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko pa din alam e. Matagal na namang tapos ang birthday ko. Sino ba may birthday ngayon?"

"Walang may may-birthday ngayon. Exclusive event lang ito para sa yo." Nakangiting ani Maine.

"Sa akin talaga? Kanina ka pa. Ano ba talaga kasi iyon?" Tinignan ko na nang masama si Maine. Pero tinawanan niya lang ako.

"Ready na raw." Sabi ni Corin na katatapos lang na may kausapin sa phone.

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now