Chapter 24

506 13 4
                                    

Chapter dedicated to @ashrymon (WHBC)

.

.

.

.

Louise's POV

A morning with Jonas at ang buo niyang pamilya.

Tulad ng dati ay masarap pa ring magluto ang Mama niya. Iba talaga kapag home cooking e.

Yung Tatay niya ay tahimik lang na nakamasid sa amin. Hindi siya nagsasalita sa akin. Pero madalas ko siyang makitang nakatitig sa buong oras namin sa harap ng hapag kainan.

Si Meryl naman ay medyo nag-alangan na kausapin ako. Pero nung nalaman niya na katabi kong natulog ang kuya niya, ayun! Parang inasinan sa kilig.

Akala niya ay nagkabalikan na kami e.

Wala naman silang nabanggit na anuman tungkol sa past. Siguro medyo masama nga lang ang loob nila sa akin dahil sa nangyari. Hindi ko kasi nasabi sa kanila na maykaya.... i mean. Mayaman ang pamilyang pinagmulan ko. Akala nila i'm just an ordinary fan na inlove kay Jonas.

Hindi ko naman sila masisi. Kahit ako ay mabigat sa loob ko ang magpanggap noon.

Alam ko na hindi ko na maibabalik ang dati nilang pagtingin sa akin. Hinding hindi na mangyayaring maging normal na uli ang lahat. Nasira ko na kasi yun. Sobrang sira na.

After ng breakfast ay umalis na kami ni Jonas. Nagpaalam ako ng maayos sa family niya.

Nagpunta kami ni Jonas sa recording company nila. Naabutan namin doon ang mga kabanda niya na sina Justin, Simon, Errol at Matt.

"O? Magkasama pala kayong dalawa e!" gulat na bungad agad ni Justin sa amin.

"Bakit?" takang tanong ni Jonas. Naupo na kami sa bakanteng couch sa malapit sa kanila.

"Tumawag kasi kagabi si Kiel. Hinahanap ka Louise. Mukhang hinahunting ka nga ng Mommy mo."

Napasinghap ako.

"Hindi ka nagpaalam?" gulat na tinignan ako ni Jonas.

"Nagtext ako." tumingin ako sa kaniya. "Sabi ko di ako uuwi yun lang."

"Ibig sabihin magkasama kayo magdamag?!" gulat na react naman ni Errol. Napangisi siya.

Dirty minded din tong mga ito e.

"Wag ka ngang mag-isip ng masama Errol!" pagalit na wika ni Jonas.

"Natulog ako sa kanila." nagkangising ani ko.

"OOOHHH...!!!" in chorus na wika nina Justin, Matt at Errol. Nagpalitan ng tingin at ngiti.

Natawa ako.

"Ang dudumi talaga ng isip niyo noh!" lalo namang nainis si Jonas.

"Saan ka natulog? Katabi ni Jonas?" si Matt naman yun.

"OO---" biglang tinakpan ni Jonas ng kamay niya yung bibig ko.

"HOY!! Walang nangyari sa min ah!!" Namula na yung face ni Jonas.

Natawa sina Justin.

Ako naman ay tinanggal yung kamay niya sa bibig ko. "Ang OA nito! Wala naman silang sinabing may anumang nangyari sa tin ah. Natulog lang tayo magkatabi yun lang. Ang OA."

Tinapunan niya ako ng matalim na tingin. "Yang bunganga mo talaga napaka-ingay!"

"Hul! Para saan bang nilikha na part ng katawan ang bunganga di ba?" inirapan ko nga.

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now