Chapter 9

700 22 2
                                    

>>> Inserts POV <<<

"Kamusta ang mga bata?"

Tumingin muna siya sa kaliwa at kanan at ng makita niyang wala namang malapit na tao sa paligid ay naupo siya sa isang bench sa lilim ng isang malaking puno.

"Nasa training camp na po sila ngayon."

"Any news?" anang malaking boses sa kabilang linya ng tawag.

Napahinga siya ng malalim.

He has been reporting every whereabouts ng magpinsan. Sometimes nai-stress din siya kung bakit kailangan niya itong gawin. Being their Uncle was surely big work to handle.

"They've arrive well." Napabuntung hininga siya.

****

***

**

*

**

***

****

Corin's POV

Second day training.

Maaga akong nagising. Hindi pala. Kami pala.

Madaling araw na kaming nakabalik ng hotel. Nakatulog kami ng mga dalawang oras lang. Siguro mga past 2am na kami natapos sa inuman. Pagkabalik namin ng hotel ay nakaidlip lang ako ng saglit. Baka di na kasi ako magising sa tamang oras pag natulog ako.

Haist!

Mukhang nakarecover naman sa hang-over si Louise pero ang lungkot ng mukha niya. Pero si Maine.... hindi ko maintindihan kung bakit namamaga ang mga mata niya.

Umiyak ba siya magdamag? Nag-away lang ba sila ni Kiel?

Napabuntunghininga ako.

Ano pa nga bang bago sa dalawang iyon?

"Ang sakit ng ulo ko." mahinang anas ni Marvic.

Nasa lobby na kami ng hotel. Past 7am na at hinihintay na namin na makumpleto ang group namin. Wala pa si Simon.

"Ang dami mo kasing nainom kagabi. Kaya mo ba talaga?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Mahinang tumango siya. "Oo. Basta nandito ka." sabay ngiti.

Natawa ako sa tinuran niya.

"Napansin ko lang na hindi maganda ang gising ni Maine. Nauna naman sila ni Kiel na makapagpahinga di ba?" ngumisi siya. "Ano kayang ginawa nila buong magdamag?"

"Aisht!" sinimangutan ko siya. "Wag kang mag-isip ng ganyan kay Maine. Kaibigan ka pa naman."

Tumawa siya. "Hahaha... joke lang yun." Pinatong niya yung kamay niya sa ulo ko at ginulogulo ang buhok ko.

Gawain niya talaga yun.

Napabuga na lang ako ng hangin.

May ilang minuto pa at nakumpleto na kami sa group.

Sabay sabay kaming nagbreakfast then deretso uli dun sa event hall.

Light lang yung una naming tasks na nahati sa tatlong game. Over-all... nanalo yung group nina Maine.

Then may mga sumunod pa na tasks. Every tasks na natatapos namin ay may natatanggap kami na points na magagamit daw namin sa last task.

Pagdating ng hapon ay treasure hunting game ang task namin. By pairs ito. May hahanapin kami na 12 markers sa buong resort. Kukumpletuhin namin iyon to move-on sa last task.

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now