Chapter 43

687 10 1
                                    

Mali

[Corin's POV]

"Huwag mong masyadong career-in hah."

Gulat akong nag-angat nang tingin nang marinig ko ang boses na iyon.

Marahan siyang naupo sa katapat ko na upuan. Hindi nawawala ang ngiti.

"Anong wag career-in?"

"Yung contest nina Ara. Masyado kang focus sa pagtuturo sa kanila e." Nakangiti pa ring aniya.

Natawa ako nang mahina. "Bakit Jonas? Papanalunin mo na ba sila?"

"Oi! Hindi ko pwedeng gawin yun hah!" Mabilis niyang sabi. "Pero nakikita ko naman na malaking malaki ang chance nila na manalo."

Tumango ako. "Yeah. Malaki ang potential nila. Kailangan lang nang serious training. Nasabi kasi sa akin ni Ara na wala naman pala silang formal class sa music. Sana lahat nang school mula high school ay bigyan din ng formal education sa music at arts. Meron naman yun sa mga private schools pero sana pati sa mga public di ba?"

"I aggree." Natawa siya. "Bakit hindi ka magturo pala. Gawa ka nang school for music."

"Haha... sana marami akong pera para gawin yan."

Sabay kaming natawa.

"Syangapala, bakit nandito ka at ako ang ginugulo mo? Ba't hindi si Louise ang istorbohin mo dun sa kitchen?"

"Ayaw naman niyang magpa-istorbo."

Napaarko ang kilay ko sa sinabi niya.

"Medyo lie-low muna ako sa panliligaw sa kaniya e."

"Bakit?"

"Parang wala kasing nangyayari." Tumingin siya sa akin habang nakapangalumbaba. "Nakikita ko naman na kinikilig siya at natutuwa sa ginagawa ko. Kaya lang -- three weeks straight ko na yung ginagawa. Nakakapulubi pala."

Natawa ako nang malakas.

"Para tong tanga!" React ni Jonas at bahadyang nag-blush.

Pilit kong pinigilan ang pagtawa ko. "So-sorry. Sorry."

"Serious ako ha." Pero naka-smile na si Jonas. "Hindi naman kasi ako anak-milyonaryo. Simpleng empleyado pa rin naman ako kahit may malaki akong share sa business namin ni Justin."

"Ang sabihin mo, kuripot ka talaga!" Nakangiting ani ko.

"Haha... nag-invest naman ako nang marami na. Hindi pa ba sapat yung three weeks?"

"Ano ka ba? Iyong iba nga e years ang binibilang."

"Hindi na naman kasi uso ngayon ang ligawan. Ang uso ngayon, kiss and tell."

"Kaya uso din ngayon ang hiwalayan kahit sa mag-asawa. Dahil hindi nila sinulit ang oras at hindi sila nag-invest sa feelings nila." Tumango pa ako.

"So anong gusto mong gawin ko?" Seryoso ang mukhang tinitigan ako ni Jonas.

"Alam mo," napabuga ako nang hangin. "Hindi mo naman kailangan maglabas nang pera para sa panliligaw. My gosh! Like, you can make harana to her. O kaya ay tulungan mo siya sa mga ginagawa niya. Simple things lang. I know Louise. Madali lang naman yung i-please."

"Haist! Nakakabored naman yun."

"Ewan ko sa yo, nagtatanong ka tapos ayaw mong tanggapin."

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now