Chapter 27

536 15 0
                                    

Project

Nang kampante na kaming nakaupo ay saka nagsalita una si Dad.

"Why are you late Maine?" tinignan niya ako.

Ngumiti ako. Syempre hindi pa nila alam ang pinagdaan ko bago ako nakarating dito sa building. "Na-traffic lang."

Narinig ko yung mahinang pagtikhim ni Henry sa tabi ko. Inirapan ko nga.

Siya kasi ang ka-age bracket ko sa buong pamilya ng Escaner. Maliban kay Ate Marielle na may isang taon na tanda sa akin. Kapatid ni Kuya Marcus si Ate Marielle.

" Traffic? I saw your car sa parking. Its damaged." si Kuya Marcus.

Patay ka diya! Nakita niya.

Tumawa ng mahina sa tabi ko si Henry. Nainis ako kaya kinurot ko sa tagiliran niya ng palihim.

"OUCH!" malakas na sigaw ni Henry na ikinapatingin ng lahat.

"Why Henry?" curious/worried agad si Mommy e.

"Wa-Wala Tita. May langgam." sabi ni Henry na nakangiwi.

Inirapan ko uli siya.

"What was that, Marcus? Damaged? Ang alin?" Si Dad. Nakatingin kay Kuya Marcus.

Tinignan ko si Kuya Marcus. Binigyan ko siya ng tingin na nagmamakaawa ang mga matang wag magsalita ng anuman.

Nginitian niya ako at tumango. "I saw her car sa parking. Bagsak ang bumper. Look like she run into an accident. Right?" Hindi niya inaalis ang mga mata sa kin.

Yah! Right. Hindi connected ang isip namin kaya di niya ko na-gets sa pakiusap ko. Mamaya na lang ako reresbak.

Inirapan ko siya at binigyan nya lang ako ng evil smile niya.

Akala mo ang bait bait yun pala evil. Hmf!

"What?" react ni Mommy. "Accident Maine? Are you hurt somewhere? What happened?" Bumalandra ang malaking pag-aalala sa mukha ni Mommy.

Napakamot ako sa pisngi ko. Nahihiyang ngumiti. "Konting damage lang naman Mom. Walang injury sa akin. I'm totally fine. Saka, napablotter ko na yung nakabangga sa kin. Babayaran niya lahat ng damage."

"Pati yung kaba at takot nya." sabad ni Henry.

Sabay sabay natawa sina Henry, Kuya Dennis at Kuya Marcus.

Haha...

Nakakainis talaga kapag kasama ko ang mga ito. Lagi nila akong pinag-ti-tripan e.

Sumimangot ako. "Hindi ko kasalanan noh. I'm shocked!"

"O, my baby?" Tumayo na si Mommy at nilapitan ako.

Wala akong nagawa nang patayuin niya ako at sipatin mula ulo hanggang paa. "Are you really fine? Nagpunta ka ba ng hospital? Nagpa-check up ka ba? You should have called us."

"Haha... Mom naman e. I'm really fine."

Nakita ko sa peripheral gaze ko sina Kuya Dennis, Kuya Marcus at Henry na tumatawa.

"Wala bang scratch? Naku! Kapag meron, ipapakulong ko kung sinuman ang may gawa nyan." binalingan niya si Kuya Marcus. "Marcus, check my baby. Baka may injury siya at ayaw lang sabihin."

Nanlaki ang mga mata ko. "Mom!!? No need! I'm fine. Really!" Tumalon talon ako sa pwesto ko. "See?!"

"Pero..."

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now