Chapter 35

509 11 0
                                    

Sorry

[Corin's POV]

"Professional interior designer?! Ano toh?! Lokohan?!"

Naglakad ako papunta sa may malaking salaming bintana ng room ko. Napapiksi.

Galit ako pero hindi ko alam kung saan o paano ko mailalabas ang galit na ito.

S**T!! Pang-inis naman!!

"Kaya nga sana um-attend ka nung huling meeting di ba?" Wika ni Maine. Nakatayo siya sa may malapit sa may couch. Nakatagilid ang view ko sa kaniya.

Nakaupo naman sa pang-isahan na couch si Kiel. Nakahalukipkip.

"Sana sinabi niyo na lang na hindi na ko kelangan dito!!" bulyaw ko sa dalawa. Parang pinaglalaruan lang ako ng mga ito e.

"Kailangan ka namin dito, Corin." frustrated ang tonong wika ni Maine.

"Then bakit ganun?!" napatiim bagang ako.

Nagkuha pa sila ng professional na interior designer samantalang nandito naman ako. And worst!! Fiancee pa ni Simon!!

NAKAKAINIS TALAGA!!

"Corin, intindihin mo naman. We need every help we could get to make this project successful."

"We need her." si Kiel.

Tumingin ako kay Kiel. "Need her? For what?"

"Maliban sa expertise niya, kailangan natin ang connection niya." seryosong nakatingin sa akin si Kiel. "She is Angela Chen. Ang pamilya niya ay may malaking connection sa business world. Her father is a well-knowed business tycoon. Chinese sila. Their into real estates."

Natigilan ako.

"Through her family connection we can find prospect investors for the resort. Alam mo naman ang kalagayan ng resort na ito so hindi ko na gustong magpaliwanag pa sa yo ng tungkol dun."

Napahinga ako ng malalim.

"She is an actual prospect investor Corin. Kaya kung gusto mo na makatulong sa resort. Do this." Tinitigan ako ni Kiel. "Be nice to her. Seriously."

Saglit akong natigilan tapos ay napapiksi.

Be nice to her.

Be nice to her.

S**T!!

*****

****

***

**

*

[Maine's POV]

Tumayo ako sa tabi ni Louise. Nasa may veranda kami at nagkakaroon ng isang maliit na salo-salo bilang welcoming event sa mga new temporary staff ng hotel. Punong abala sa paghahanda sina Aling Nita, Ara at Chef Amon. Masaya daw sila dahil sa wakas ay may makakatulong na uli sila sa pagbabantay sa hotel at resort.

"Sabi ko na nga ba. Maganda at mabait yung fiancee ni Simon. Ang cute niya." nakangiting wika ni Louise.

Napangiti din ako. "Oo nga."

"Gusto kong malaman kung anong naging reaction ni Corin ng makilala niya si Angel. Nagalit ba?"

"Nagalit siya. Shock na shock. Di lang yun. Nagwawala pa sa galit." Napahinga ako ng malalim. "Balak na ngang mag-quit e."

My Love is Rain! [ML 3]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang