Chapter 10

642 18 2
                                    


Corin's POV

Isang mahaba at malalim na buntunghininga ang pinakawalan ko. Tapos naramdaman ko na naman yung konting kirot sa may tuhod ko. May malaking sugat doon at maliliit na gasgas sa magkabila kong siko.

Itinaas ko ang ulo ko para makita ang langit.

Gabi na pero at may sapat na liwanag na nagmumula sa taas.

I wonder kung full moon ba ngayon o half lang? Hindi ko alam pero I'm sure na yung buwan yung nagbibigay ng liwanag sa paligid ngayon.

Napalunok ako pero sumakit lang ang lalamunan ko. Natutuyuan na ko ng laway. Nahihirapan na rin akong huminga. Parang kinakapos na ko ng hangin at tila numinipis na yung supply nun sa amin.

Naramdaman ko yung marahang paggalaw ni Louise. Napatingin ako sa kaniya.

Naka-unan ang ulo niya sa laps ko at naka-kunot ang noong nakapikit ng mariin. Nakabaling ang mukha niya sa akin at mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Mahinang umungol siya at nakita ko yung butil ng luhang nasa gilid ng kaniyang mata. Pati na rin yung mumunting butil ng pawis sa kaniyang noo.

Hindi na normal yung paghinga niya. Kinakapos na rin siya. Yung mga labi niya ay namumutla na.

Bakas sa mukha niya yung dinaramdam niyang sakit.

Nang marahan kong ipatong ang kaliwa kong kamay sa kaniyang noo, nasalat ko agad yung mainit niyang temperature.

Inaapoy na siya ng lagnat.

Napahugot uli ako ng hangin at mariing napakagat ng ibabang labi. Pinahid ko yung pawis niya sa noo.

Ano nang gagawin ko? O, my God!

Tumingin uli ako sa langit.

Sana...  Kahit sino. May dumating na po sana para mailigtas kami dito. Please God!

Kinagat ko uli ng mariin ang ibaba kong labi sa impit kong dasal.

Nandito kami ngayon ni Louise sa loob ng isang medyo malalim na man-made hole.

Shocks!! Hindi naman namin inaasahan o alam na may ganito pala sa lugar na ito. Siguro in someways ay naging pabaya din kaming dalawa.

Dapat kasi ay sinunod ko na lang ang instinct ko kanina at sa kanang daan kami dumaan at hindi sa kaliwa.

Bumuga uli ako ng hangin.

Masyado kaming focus sa paghahanap ng mga markers kanina. Ang alam ko nga, cautious naman kami sa paglalakad namin. Napansin ko na lang na tila nag-iiba na yung mga puno sa paligid namin at yung daan na tinatahak namin ay nagiging masukal na gubat na.

Naisip ko na siguro ay nakalampas na kami sa boundary ng resort. Hindi siguro namin namamalayan na nakalabas na kami sa area ng resort kaya sinabi ko yun kay Louise. Pero nahuli na pala ako.

Bigla na lang nahulog kami ni Louise sa isang butas na natatakpan ng makakapal at tuyong mga dahon.

Ginawa siguro ang butas na iyon para sa panghuhuli ng mga mababangis na hayop. O sa anu pa mang dahilan.

Bad trip at mukhang kami ang napahamak ng trap na ito.

Lumalamig na yung hangin ngayon. Nakita ko na bahadyang nanginig ang kalamnan ni Louise.

Maine?!

Siya talaga yung una kong tinawag sa isip ko dahil alam kong siya lang unang una na mag-aalala para sa akin. Para sa amin ni Louise.

Siya ang bestfriend ko na tumayong ate, kuya, nanay at tatay sa buhay ko at malaking malaki ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Higit kanino man ay siya lamang ang napagsasabihan ko ng lahat ng bagay. At siya ang nakakakilala sa akin.

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now