Chapter 18

543 12 2
                                    

Corin's POV

Sakay na kami ng kotse ni Kiel at nasa daan na para ihatid sa shop. Iniwan namin si Louise sa may condo ni Kiel kasi natutulog pa siya. Nakaupo ako sa may back seat habang si Maine naman ay nasa harap na upuan katabi ni Kiel na nasa harap naman ng manibela.

Hindi ko sure kung imagination ko lang ba ito. Pero kakaiba yung feeling ko sa paligid ngayon.

Ang gaan ng aura. Walang anumang tensyon. May nararamdaman akong good vibes sa paligid.

Tinignan ko yung buong sasakyan tapos ay binalingan ko silang dalawa na tahimik lang sa harap.

"May nangyari bang maganda sa inyong dalawa kagabi?"

Nakita kong gumalaw yung balikat ni Kiel. Si Maine naman ay nagulat sa sinabi ko.

Marahan niya akong nilingon.

"May sinabi ka ba Corin?"

Kita ko sa mukha ni Maine yung uneasiness niya sa sinabi ko.

Ahh... huli ko siya! May nangyari nga!! Kita sa face niya yun.

Napangiti tuloy ako. "Hindi niyo naman kailangan na maglihim sa akin e."

Namula yung face ni Maine at bahadyang napaawang ang labi.

"May maganda lang na nangyari Corin." sagot ni Kiel na ang mata ay nasa kalsada pa rin.

Pagsulyap ko sa kaniya sa may rear view mirror ng sasakyan ay nakita ko yung makahulugan niyang ngiti.

"Talaga? Nagkabalikan na ba kayo?"

Nagblush ng sobra si Maine. "Hoy Corin Thea!! Ang ingay mo hah!! Hindi kami--"

"Hindi pa. Baka sa susunod."

Lumapad yung ngiti ko sa dalawa. "Aisht!! Sa susunod? May susunod pa? Magdedate na uli kayo?"

"Hindi!" malakas na kontra ni Maine. Namumula siya ng sobra.

Hala !! Gusto na nga nya kong hilahin sa buhok sa sobrang inis at pagkapahiya.

O baka kinikilig lang?!

Natawa ako.

"Tumigil kayong dalawa hah!!" naupo ng maayos si Maine at naghalukipkip.

"Ano bang ginawa niyo kagabi?" natutuwa yata akong asarin si Maine ngayon. Masyado kasing guilty.

"Wala ngang nangyari!! Pang-inis ka, Corin!!"

Mahinang natawa si Kiel sa harap.

Natawa din ako pero di na ko nagsalita.

Huminto na kami sa tapat ng shop at sabay sabay na bumaba ng kotse.

"Salamat." matipid na pasalamat ni Maine kay Kiel. Umirap pa siya sa hangin pero nakita naman namin.

Nakangiting tumango si Kiel. "No problem."

Nangiti ako. "Kiel."

Napatingin sa kin si Kiel. Nagtataka.

Si Maine naman ay nagtaka din.

"Last chance. Sana wala ng maiwanang wasak uli." ngumiti ako.

I mean it. Nararamdaman ko na para sila sa isa't isa.

Nalaglag ang panga ni Maine sa pagkabigla. Si Kiel naman ay nabigla din pero agad ding nakabawi. Ngumiti siya. "Oo naman. Pasok na kayo." sabi ni Kiel. "Pasensya na sa abala hah."

My Love is Rain! [ML 3]Where stories live. Discover now