3

49 5 0
                                    

Uwi na tayo

Tara, uwi na tayo,
Uwi na tayo sa panahon na maayos pa ‘to.
Balik na tayo sa dati na wala pang gulo,
Kasi sa totoo lang, ayoko na rito,
Sa mundo kung saan wala ka at mag-isa lang ako.

Tara, uwi na tayo,
Uwi na tayo sa panahon na wala pang sakit sa ulo.
Balik na tayo sa mga oras na kasama pa ako;
Kasama pa ako sa mga priorities mo,
Na noon lang ay nangunguna pa ako—
Nangunguna pa ako sa puso mo.

Tara, uwi na tayo,
Uwi na tayo sa lugar kung saan palaging sagot ay oo.
Balik na tayo sa oras na sapat pa ako,
Kasi tangina, hindi ko na yata kaya ‘to.

Tara, uwi na tayo,
Uwi na tayo sa kung saan mayroon pang tayo.
Balik na tayo sa panahong ako lang ang tinitibok ng puso mo,
Kasi hindi ko kayang umuwing hindi kasama mo.

Tara, mahal umuwi na tayo,
Pakiusap samahan mo ‘ko,
Samahan mo ‘kong lakbayin ang daan pabalik sa dating tayo,
Hindi ko kayang mag-isa dahil baka maligaw ako...
At baka hindi na makabalik pa sa ‘yo,
Ngunit sigurado pa sa sigurado,
Malamang, iyon pa‘y ikatutuwa mo.
Tara, mahal umuwi na tayo,
Ako pa ba‘y sasamahan mo?

Tula ng hindi MakataWhere stories live. Discover now