20

30 4 0
                                    

Ang hirap maging pangit.

Ang hirap maging pangit lalo na pag hindi ka marunong umanggulo,
Sa mga bawat post mo ng picture mo na kaunti lang ang mga nahuhumaling sa ‘yo,
Hindi naman sa gusto mong lahat sila‘y bigyan ka ng atensyon na gusto mo,
Pero sana, huwag naman ‘yong lahat sila, pupunahin kung gaano hindi kaaya-aya ang itsura mo.
Mga labing mapuputla na kailangan pang papulahin gamit ang lipstick na binili lang sa kanto,
Namumugtong mga mata sanhi ng matatalas nilang mga salita para lang sa ‘yo,
Matatabang pisngi na sabi nila‘y cute raw pero baboy naman talaga ang tingin sa ‘yo,
Pangit ka na nga, mataba ka pa, ano na lang ba ang kapuri-puri sa isang tulad mo?
“Ang pangit mo na,”
“Ang taba mo, puta,”
“Mag diet ka naman sana,”
Mga salitang bumubuo na ng araw mo,
Masasanay ka na lang dahil iyon naman palagi ang napupuna sa ‘yo,
Na kung hindi pa sila tatawa, hindi mo pa malalaman na biro lang pala ‘yon,
Pero, tangina bakit pumapalahaw sila sa tainga ko hanggang ngayon?
Paulit-ulit na humihiyaw bawat salitang binitiwan, bakit gano‘n?
Na sa t‘wing may kakausap sa ‘yo‘y sa dibdib mo lang nakatuon ang buong atensyon,
Nagsisimula na tuloy akong magtaka at magtanong sa sarili ko ngayon,
Nailipat na ba ‘yong mukha sa dibdib at ang atensyon ay doon lamang nakatuon?

Ang hirap maging pangit lalo na pag hindi ka marunong pumorma,
Na kailangan mo pang i-edit bawat picture mo para lang gumanda ka,
Kailangang paliitin ang baywang, maging pisngi ay kasama na,
Dahil sa panahon ngayon? Balewala na ang utak at ganda na lang talaga.
Na buti pa sila maganda samantalang ikaw ay utak lang ang panlaban,
Sa paligsahang binuo ng sarili na hinding-hindi naman mananalo kahit kailanman,
Pangit kasi,
Mataba kasi,
Mababa pa ang tingin sa sarili, so ano na lang?
Game over na,
Panalo na sila,
Pakamatay ka na lang.

Ang hirap maging pangit lalo na pag mataba ka pa,
Malaki lang ang dibdib mo‘t sa pwet ay kinulang pa,
Na kahit anong gawin mong pagpapa-impress, iyon at iyon pa rin ang mapapansin nila,
Kaya ngayon, itatanong ko sa ‘yo, lalaban ka pa ba?
Lalaban ka pa ba sa mga taong sa isang iglap ay kaya kang pabagsakin?
Na kahit anong gawin mong pag-ahon, nakaabang naman sila at patuloy kang lulunurin,
Sa malalim na dagat ng salita‘y pagkamatay mo‘y titingnan lamang nila at hihintayin,
Huwag na, kaibigan,
Hayaan mo na sila diyan,
Huwag ka nang lumaban,
Mas masarap kaya sa ilalim dahil walang liwanag na tutulungan pa silang ika‘y patumbahin.

Ang hirap maging pangit, ‘no?
Syempre, hindi ka makaka-relate kasi maganda ka—
Kaunting papuri lang sa ‘yo ay ayos ka na,
Samantalang sila...ako, kaunting lait lang, lubog na lubog na,
Pero ayoko nang umahon at makisabay sa henerasyong unti-unting sumisira—
Sa mukha kong sira na nga, winawasak pa ng mga salita.

Tula ng hindi MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon