27

20 1 0
                                    

“Gabi”

Gabi na naman.
Dadalawin na naman ako ng kaibigan kong kadiliman,
Na hindi ko alam kung saan nanggaling, bigla na lang nagsulputan,
Dahil ba hindi na ako ang 'yong pinagpupuyatan?
Dahil ba sa tingin mo, ako ang unang sumuko at hindi lumaban?
Siguro nga, oo.
Oo, sumuko na ako.
Sa bawat gabing nasasayang ko dahil sa paghihintay sa 'yo,
Tingin ko nama'y hindi ko pagsisisihan iyon.
Sa kadahilanang kahit papaano ay bumalik ka,
Bumalik ka sa lugar kung saan ako nakatayo't hinihintay ka,
Kahit pa man tila nagbago na ang iyong nadarama,
Nagpapasalamat pa rin akong bumalik ka...
kahit muli ay iniwan mo 'ko roong nag-iisa,
at hindi man lamang hinatid pabalik sa lugar kung saan tayo nag-umpisa.

Tula ng hindi MakataTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang