24

21 2 0
                                    

“Ikaw”

Ikaw 'yong naging dahilan kung bakit ginusto kong lagyan ulit ng tinta ang panulat kong ubos na ang laman.
Sa kadahilanang gusto ko pa umulit,
Gusto pa magsulat.
Ngunit ngayong wala ka na,
ikaw rin 'yong dahilan kung bakit hahayaan na lang matuyo ang lahat.
Tinta man 'yan o ang mga ugat ng pusong wasak.
Hahayaan na lang.
Ititigil na lang. 
Dahil noong sandaling mas pinili mong lumayo,
Lumayo na rin sa akin mga salitang maaaring makabuo ng isang magandang kuwento.
Tayo ang kuwento.
Tayo mismo ang tagasulat nito.
Tayo ang karakter nito,
at tayo lang din ang may karapatang tumapos nito.
Syempre, gusto ko ng masayang katapusan,
Pero bakit bigla mo na lang nilagyan ng katapusan,
Kuwento nating dalawa—bakit nilagyan mo ng wakas na ako lang ang masasaktan?

Tula ng hindi MakataWhere stories live. Discover now