Naranasan mo na ba?
Naranasan mo na bang maglakad nang mag-isa?
Iyong tipong mag-isa mong tinatahak bawat matinik na daan?
Iyong mga segundo, minuto at oras mong paglalakbay,
Walang ibang kasama kung 'di kalungkutan—siya'y nakasakay.Ako, oo— oo, naranasan ko na,
Hindi ko na nga mabilang, maraming beses na.
Bawat hakbang ng mga paa'y tuhod ay naginginig na,
Saan ba ang punta? Ah! Sa kadiliman lang pala.Kadiliman? Ah! Iyong bumabalot sa aking buong katauhan,
Sakit at pighati ng nakaraan ay naiwan,
Tila nais ipahiwatig na wala akong karapatan,
Karapatang lumigaya nang tuluy-tuloy at lubusan.Sa oras na iyon, ako'y huminto na,
'Di dahil pagod na o aayaw na,
Kailangan ko rin ng pahinga, bawal ba?
Ay, bawal ba? Sige, itutuloy ko na.Dugong kasunod ng mga bakas ng yapak,
Masakit, mahapdi ngunit hindi nais umiyak,
Dahil ano? Sanay na akong magtiis,
Magtiis sa hapdi— hindi alam ang hinagpis.
YOU ARE READING
Tula ng hindi Makata
Poetry#62 Highest Rank in Poetry Category. Hindi lang makata ang puwedeng tumula...hmp!