21

24 5 2
                                    

Damdaming nakapaskil

Hindi sinasadyang kumapit ang puso
Sa mga salitang walang basehan ngunit mayroong punto,
Punto na kung saan lagi nang namumuro,
Sa damdaming nakapaskil ngunit nananatiling sikreto.

Hindi alam kung kailan nagsimulang maging masaya,
Tumawa nang may tunog at ngumiti nang sobra,
Na ang dahilan lamang ay ang bawat letra
Ng mga salitang binubuo na nuo’y sa iskrin lamang nababasa.

Ngunit hindi, mali ang damdaming ito
Sapagkat mayroon nang nagmamay-ari ng kantang ito,
Kantang walang tono ngunit may ritmo,
Na nais ipahayag nilalaman ng damdamin ko—
Na nuo‘y nais ring ibigay na lamang sa ’yo,
Upang malaman mo ang sikretong tono nito.

Ngunit hindi, mali ang nais gawin,
Sapagkat hindi nararapat na ako‘y angkinin
Ng katulad mong may isang banal na mithiin
At pusong buo‘y hindi nais na wasakin,
Kaya ngayon ay hahayaan na lamang umalpas,
Lumalalim na damdamin—hahayaan na lamang lumipas
Iiwas,
Lalayo, ito na ang tamang oras,
Kasabay ng paglayo...ay ang masakit na pag-iwas.

Tula ng hindi MakataDär berättelser lever. Upptäck nu