12

36 5 0
                                    

Kaibigan

Paalam kaibigan
Salamat sa mga oras na ating pinagsamahan
Pero mukang ito'y kelangan ng wakasan
Dahil tila hindi maganda ang kinahahantungan

Umabot na sa punto ng pagpaplastikan
Pag kaharap mabait pero pag talikod ako na pala ay sinisiraan
Nang dahil sa'yo ako ay may natutunan
Na hindi pala lahat ng tinatawag mong bes ay totoong kaibigan.

Ngunit, isang mensahe na lamang para sa iyo,
Na sana dumating ang araw na mangyari ito sa ‘yo,
‘Yong tipong mababaliw ka dahil sa ginagawa nila sa ‘yo,
Mawiwindang,
Mawawala sa wisyo,
May bonus pa akong trivia sa ‘yo—
Lahat ng sinasabi ko, totoo,
Dahil ako ang katotohanang katatakutan mo.

Habang binabasa mo ito ay pinapatay na kita sa isip ko,
Binabalatan nang buhay habang nilalatigo,
Pinapaso at unti-unting sinusunog,
Alam mo kung bakit?
Tinutulungan ko lang si Satanas sa pagsunog sa ‘yo.


Hehe.

Tula ng hindi MakataWhere stories live. Discover now