4

46 5 2
                                    

Noong sinabi mong...

Noong sinabi mong, “May mahal na akong iba,” doon pa lang, alam kong tapos na,
Tapos na ang kabanatang binuo nating dalawa,
Pilit ko mang dugtungan pa ng isang senaryo, ngunit hindi na kaya,
Hindi na kaya ng aking panulat na siyang nagiging dugo na.

Noong sinabi mong, “Tigilan mo na ako,” doon pa lang, alam kong talo na ako,
Talo na ako sa gyerang mag-isa kong binuo,
Sa gyera kung saan ang premyo ay ang iyong puso,
Na kahit pilitin kong manalo...tapos na ang laro dahil siya na ang nanalo.

Noong sinabi mong, “Masaya na ako sa kaniya,” doon pa lang, alam kong wala na talaga,
Hindi na ako ‘yong magiging dahilan ng mga matatamis mong ngiti, kahit kailan.
Hindi na ako ‘yong magiging lakas mo, kailanman,
Dahil mayroon nang siya...na ngayon pa lang, kaya nang punan lahat ng pangangailangan.

Kaya ngayon, maglalakas-loob na lang na tuldukan,
Isang magandang kuwento na sabay nating pinagpasiyahan,
Ngunit ngayo‘y mag-isa na lamang pipilasan,
Libro ng mahika ng ating pag-iibigan.

Tula ng hindi MakataWhere stories live. Discover now