19

30 4 0
                                    

Gago

Gago, wala man lang gustong sumabay sa pag-ahon ko
Ang bigat-bigat na, bakit kasi ganito? 
Oo, palamura ako, pero hindi naman ako pumapatay ng tao—
Pero bakit sila...unti-unting pinapatay ako?

Gago, nakakatakot maging sobrang saya kasi pakiramdam ko—
Pakiramdam ko, malaking utang ko na ‘yon sa buong mundo,
Na pag naging sobrang saya ko, saglit lang may babalik agad sa ‘yo,
Walang katumbas na lungkot na unti-unting lalamon sa ‘yo.

Gago, kaya ko namang magmahal higit pa sa sarili ko
Hindi naman ako humihingi ng kapalit pero sana naman huwag abusado,
Kasi walang nakakaalam kung paano tumatangis ito—
Itong puso kong pagod na‘t naghihingalo.

Pero seryoso, ayoko na talaga nito. 
Hindi naman sa nagrereklamo ako pero tangina masakit na po,
Hindi ko na nga alam kung paano pa ilalabas mga sakit na parang bagyo,
Kasi sa t‘wing sasabog na, kumokontra buong mundo.

Tula ng hindi MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon