22

42 5 4
                                    

Sikretong Tono
ni Ferocé Arcadia

Nagsimula lamang sa pasuba-subaling mga salita,
Gamit ang panulat na nuo'y kupas na ang tinta,
Sumusubok makabuo ng isang kantang tono'y wala pa,
Ngunit salat pa sa kaalaman kaya nagpasiyang tumigil na.

Sa gitna ng paglalakbay ng isip na mapurol,
Hindi akalaing ikaw ay darating, noon pa'y ako'y tutol.
Sala-salang mga letra-tila isa lamang laro,
Para sa 'yo'y nakakatawa-kantang wala pa sa tono,
Ni wala na sa isip pa ang magpatuloy,
Kaya nagpasiyahan na lang na sumabay sa daloy.

Lumipas ang araw, linggo at umabot na ng buwan,
Nananatiling nariyan tila nais pa akong turuan,
Mga payo mo bilang manunulat tila nais kong tularan,
Ngunit sa kabilang isip, ito'y isang malaking kamalian.

Isang gabi habang ako'y tahimik sa sariling mundo,
Ika'y dumating dala ang isang payo,
Hinayaang pumasok sa madilim kong teksto,
at doo'y sabay na binuo matatamis na liriko.
Hinayaang dalhin ang isip sa iyong mga salita,
Makabagbag damdaming ipinapaskil, ngunit nanatiling sikreto pa,
Luma mang panulat ang gamit, kupas na ang tinta
Ngunit kitang-kita pa rin ang pagkakaroon nito ng halaga.

Ako'y napangiti,
Humalakhak nang may sigla.
Mga pabirong entrada tila sa 'ki'y tumatatak na,
Oras ay hindi na namalayan, anong araw na nga ba?
Madilim na mundo ko'y tila biglang nagkaroon ng puting tinta.

"Sikretong tono'y tapos na," untag mo noon sa 'kin.
Tanging mga ibong umaawit ang naririnig kasabay ng malakas na hangin,
Sa 'yo'y bumaling ng tingin at tila pa'y saglit na naramdaman,
Mga balat na nagdidikit, tila nais pa'y ikaw ay hagkan.

Nang sandaling makuha tamang tono nito,
Bigla na lamang sumabay ang pagkalabog ng dibdib ko,
Ramdam na ramdam ko ang lamig-sinasakop, pagkatao ko,
Teka,
Bakit?
Anong nangyayari sa puso ko?
Bakit tila sa isang iglap ay ikaw na ang tinitibok nito?
Bakit sa isang iglap ay ako na ang naging kanta at ikaw na ang nagsisilbing sikretong tono ko?

-
January

Tula ng hindi MakataWhere stories live. Discover now