5

41 5 0
                                    

Isang patak ng luha para sa bawat ritmong nais kumawala

Heto na naman ako.
Nababagot,
Nanggugulo.
Nagsisimulang lumikha ng mahalagang berso—
Berso ng piyesang kasing-halaga mo,
Na nagsasabing ikaw lang ang nilalaman nito—
Nitong pusong itinitibok ang pangalan mo.

Heto na naman ako.
Nababagabag habang namumugto—
Mga matang nanlalabo,
Sa gitna ng madilim at magulo kong mundo,
Pumapalahaw ng iyak sanhi ng takot ko,
Takot kong patayin mo ang ilaw na nagsisilbing liwanag sa buhay ko.

Heto na naman ako.
Ninanais na mapansin mo,
Kahit magmukhang tanga at wala sa wisyo,
Ayos lang, basta‘t mapukaw ko—
Mapukaw ko ang puso mo.

Heto na naman ako.
Nag-aabang,
Ninanais,
Nagbabakasakali‘t umaasa,
Na sa bawat tulang iyong inililikha,
Pangalan ko ang nakaukit sa isang letra.
Heto na naman ako...
Kasabay ng pagkawala ng ritmo sa bawat taludtod,
Siyang pagkawala rin ng luha habang puso‘y unti-unting napupudpod.

Tula ng hindi MakataOù les histoires vivent. Découvrez maintenant