CHAPTER 3

3.6K 104 8
                                    

Continuation...

''INDAY dalian mo!'' sigaw ko habang naiinip na naghihintay sa labas ng pinto ''sandali lang naman Ate, nagbibihis pa ako eh'' napailing ako at tumingin lang muna sa kapitbahay naming nag aaway na naman

''Mag asawa, pero laging nag aaway tsk. Aso't pusa rin drama niyo eh'' bulong ko dahil sa nakikitang kumosyon sa isa naming kapit Bahay. The pussycat and the doggy

''Ate, tara na!'' Tawag sakin ni inday. Pumaona naman itong Nag-lakad kaya sumunod ako sa kaniya ''sasakay tayo ate?'' tanong niya sakin kaya inakbayan ko siya at ginulo yong buhok niya.

minsan, napapaisip ako kong saang lupalop lumilipad ang utak ng kapatid ko.

''bakit may sasakyan ba tayo?'' Sarkastiko akong tumawa.

''Oo, noon. sabi mo panga eh, may driver pa kayo nong nabubuhay pa sila mama at papa'' hindi ako kumibo. Sa aming dalawa si Inday, siya lang ang hindi naramdaman ang pagmamahal nang magulang.

tanging litrato lang kasi ang nakita niya, dahil sanggol palang siya ng mawala na sila mama at papa.

Dahil may pumatay sa kanila... habang ang kayamanan namin ay nasa pamamalakad ng kapatid ni papa na si tita Rosa, na hindi manlang kami inilagaan ni inday sa halip ay pinalayas niya kami sa sariling bahay namin at ibang tao ang kumopkop samin.

kahit na nga mahirap lang sila. Silang dalawa parin ang nagbigay samin ng bagong pangalan. Ngunit wala akong planong bagohin ang mga pangalan na ibinigay samin ng mga taong kumopkop at nag aruga saming magkapatid. Bebang at inday, maganda naman siya para sakin.

''Ate, sabi ni Mary hati nalang tayo dito sa Mani para ilako, tara ate'' hinila ako ni Inday at nagsimula kaming mag lako ng Mani sa terminal bus.nahihiya ako. Oo, sino ba namang hindi mahihiya kong ang mga mata ng mga kaseng Edad mo ay nakatingen sayo? May iilan panga na tinatanong ako kong Anak koraw ba si Inday.ngunit hindi ko sila sinasagot at ngumingiti nalang

Mga taong mahilig mangialam sa buhay ng iba sila iyong hindi nagtatagal sa mundong ibabaw eh.

MANI, MANI KAYO RIYAN. BILI NA KAYO...

''Ne, magkano yong mani mo?'' luh ali bastos echos. napatingin ako sa babaeng nakadungaw sa bintana ng bus kaya agad akong lumapit sa kaniya

''Ah diyes lang po. bumili na kayo ali'' inabot  sakin ang diyes pesos ng ali at ibinigay ko naman ang isang plastic na mani

''Salamat po ali'' dahil sa init ng araw ay napag pasiyahan kong sumilong muna sa isang tabi, nagpahid ako ng pawis tsaka pinaypayan ang sarili habang tinatanaw si inday na bilad na bilad sa araw kong kaya't hindi ito pumuputi kasi natitiis niya ang sinag ng araw

DIYARYO! DIYARYO KAYO DIYAN BAGONG LABAS LANG...

Napatingin ako sa lalaking nag bebenta ng diyaryo at pasimpleng tinignan yong front page

Takteng mukha yan...

tiniganan ko itong mabuti at halos matumba ako sa kinatatayuan nong mamukhaan ko ito. ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nonf Makita ang lalaking tinulungan ko kagabe! anak pala ito ng isang montero. napanganga ako dahil may parte rin doon na hinahanap nila ang babaeng tumulong sa tangang driver nayon

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon