CHAPTER 11

2.9K 91 9
                                    

Bebang POV

Naniningkit ang mata ko habang nakatanaw sa malalaking building dito sa manila at dahil tanaw na tanaw rin ito mula sa terminal bus, Mausok at maraming tao rin sa paligid. Nagsisipilahan ang kaniya kaniyang sasakyan habang ako ay nagmamasid lang at inililibot ang paningen sa buong stasyon

''Tsk. Tara na'' masungit na sabi ni master kaya napairap ako dahil sa kasungitan niya

Ang sungit naman nito

Isang kotseng itim ang naghihintay samin ni master habang may isang lalaking medyo may katandaan na ang nakangiting sumalubong samin ni Master.

''Sir! Welcome back po'' tinanguan lang siya ni master na para bang wala siyang balak batiin pabalik si Manong kaya inambaan ko siya ng batok kunwari

Walang galang sa matanda!

Napangiwi ako kay master nang hindi manlang nag pasalamat kay Manong sa pagbubukas sa kaniya ng pintuan upang makasakay

''Ako na diyan ija''nakangiting ibinigay ko kay Manong ang dalawang malita at nagpasalamat. Papasok na sana ako katabe ni master ng makita ko ang nagtataasang kilay nito sakin.

A-ano na naman kaya!

''infront. NOT here''napabusangot ako sa sinabi niya at malakas na pinagsadhan siya ng pintuan at doon nalang umupo katabi si Manong.

tahimik kaming bumabyahe habang ako ay nakatanaw sa labas at pinagmamasdan ang paligid

Ang ganda!

''Huwag mong masyadong ipahalatang first Time mong makapunta rito sa manila tsk.'' Hindi ako lumingon sa kaniya ngunit napairap ako, May mga tao talagang daig pa may regla sa sobrang sungit iyong tipong mangigigil ka nalang sa sobrang inis

Wala manlang kasiyahan sa katawan itong isa! Puro sungit!

Napalingon ako kay manong at alinlangang bumulong ''Alam niyo ba kong bakit masungit iyang sir mo Manong?''pabulong na tanong ko na kinatawa naman ni manong

''Nako sanay na ako diyan ija. Mukhang masungit lang iyan ngunit mabait naman''tumango lang ako sasinabi ni manong at bumulong ulit

''hindi po halata!''napa hagik-gik ako sa sinabi ko ganon din ang ngiti-ngiting si manong

''Tsk. Huwag kang humagikgik diyan! Mukha kang bubuyog''inginiwi kolang ang bibig ko tsaka tumingin kay manong na natatawa sa itchura ko

Hindi nagtagal ay nakarating narin kami sa distenasyon at ang masasabi kolang ay

HUWAW! Sabaw ng manok na may tinula holly mow

Aaminin kong mas Malaki ang bahay nila sa probinsiya namin ngunit mas maganda ang isang ito! Makulay ang stilyo nito pinaghalong asul at puti isama niyo na ang harden na may mga ibat ibang klaseng rosas, bumukas ang gate at isang naka maid uniform ang nagbukas non

''MAGANDANG UMAGA SIR!''salubong ng isang maliit na medyo may edad na babae hindi mo akalaing sa liit niyang iyan ay malakas siyang magsalita ganon parin ang reaksiyon sa kaniya ni master, bumaling naman ang tingin sakin ng maliit na babae

''Sino ka?''taas ang kilay na tanong nito sakin, nakakatawa pa siyang tignan dahil parang nalalakehan siya sakin

''Ah... ako ho si bebang, ang Personal maid ni Mas- este Dwight'' ngumiti ako sa kaniya ngunit soplada talaga ito at tinarayan lang ako

Hanep na minion nayon!

Abay kahit matanda siya sakin eh papatulan ko siya lalo nat mataray siya sakin bagay na ayaw ko sa isang tao, sumunod ako kay master sa loob habang dala ang dalawang bagahi niya.

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now