CHAPTER 10 WHO'S INDAY?

3K 116 8
                                    

Inday POV

Mahigpit ang hawak ko sa bewang nitong si Devil, Devil dahil ang sama sama niya huhu.

''YOHOOO'' napapikit ako ng bilisan niya pa ang pagpapatakbo dito sa malaking bike niya

Jusko po....

Ramdam ko ang lamig sa aking hita at braso dahil naka short lang ako tsaka sando na kulay white mabuti nalang at medyo maluwag itong sando sakin at komportable naman ako pero ibang usapan itong short ko

Gusto konang umuwi huhu

Hindi ko namalayang tumigil na pala ang pagpapatakbo sa malaking bike na ito at sa harap ng isang madilim, malaking, abandonadong bahay kaya natakot ako

''ho-hoy! Uwi na tayo! Jusko bakit mo ba ako sinama?'' bumaba ako sa bike na Malaki habang tinatalakan siya habang siya naman ay kinukuha ang susi at nakangising humarap sakin

''I told you. You are my date this evening''

Hano daw? date? diba petsa iyon sa kalendaryo?

Hindi ko siya maintindihan ng agad niya akong hablutin sa braso at kinaladkad sa madilim na abandonadong bahay na ito kaya agad akong natakot

''huhuhu'' naiiyak naa talaga piste! Ganon parin ang sitwasyon naming ng biglang natapilok ako

''Aray!'' ramdam kong nasugatan ang tuhod ko

''tsk. Ang tanga-tanga mo'' napikon ako sa sinabi niya pero hindi konalang siya pinatulan at hinawakan ang mahapding sugat ko nagulat nalang ako ng bigla siyang umupo sa paanan ko at may kinuha na panyo sa bulsa niya at pinulopot 'yon sa tuhod ko

''Ayan, sa susunod huwag kanang tanga'' napanganga ako sa sinabi niya dahil mabilis siyang mag-bago ng mode, modes, mo-pakikiramdam nalang.

Sungit!

Tumayo ako habang nakahawak parin iyong kamay niya sa kamay ko kaya napatingin ako roon

Kapit mag jowa lang?

Tinangal ko ang kamay ko sa kamay niya na ikina taas ng kilay niya kaya nauna nalang akong maglakad ng biglang isang lalaki ang sumalubong sakin

''Wow! Nagdala kapa ng chicks Damon ah'' napalunok akong napaatras

''Tsk. Shut up Jay, nasaan 'yong iba?'' lumapit si Devil sa jay na'to kaya nang malamang kilala niya ang isang ito ay naging komportable naman agad ako.

naglakad ako sa isang upuan mabuti nalang at mayroon ditong mumunting liwanag na nagmumula sa patay sindi na ilaw kaya napangiwi ako dahil mukhang Horror house ang thema dito

BROMM...

Napalingon ako sa sirang pintuan nitong abandonadong bahay ng biglang may mga malalaking bike pa ang sumulpot ngunit hindi malinaw sakin ang pigura ng mga nag-sidatingan

''whoww. It look's like a big trouble'' rinig ko sabi nitong jay

''Tsk. I think we both don't have a choice jay'' nag apir ang dalawa, nakita kong papalapit ang anim na lalaki sa palagay ko kaedad lang ito ni devil

''I heard na gusto niyo ng laban? Let's start?'' isang lalaki ang nagsalita sa gitna ng anim na may sigarilyo pang hithit

''Is that our price?'' baling sakin ng nasa gitna habang may pagnanasa ang tingin sakin nito kaya bigla akong kinabahan at yinakap ang sarili

Katakot naman mukha nito jusko

''yeah, sure you can have her. if you win.'' Sabi ni Devil hindi ko man maintindihan yong sinabe niya alam kong hindi ko magugutuhan kong malaman koman

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now