CHAPTER 34

2.1K 82 14
                                    

Bebang POV

Napapansin ko nitong mga nagdaang araw palaging tulala si master at parang may iniisip na malalim, sa sobrang lalim na ata'y hindi na siya kumukurap

Araw ng biyernes ngayon at hito ako sa tabe niya, syempre  pinagsisilbihan siya. ngunit nag-aalala rin naman ako lalo na't kanina pa ito tulala

Ano bang nangyayari sayo master?

magmula nong umalis si spasol parang nawalan narin nang gana si master, minsan panga ay aksidente ako nitong natitigan at ako naman ay assumera lang akala ko ay ako talaga ang iniisip niya

Hayss...Nagkakaganiyan kaba dahil miss mo siya?

naiisip ko palang hindi kona mapigilang masaktan kaya iwinaksi ko nalang ang isiping iyon at nag focus sa ginagawa

~~kringg~~

Sinagot niya yong tawag kaya medyo lumayo ako dahil isinenyas nito saking dumistansiya muna.

"Ok.." yon lang ang narinig ko, nakita kona itong tumayo at naglakad papaakyat sa kwarto niya kaya napapabuntong hininga nalang akong iniligpit 'yong pinagkainan niya

"Pst..bakit ganon yon?" nagulat pa ako nang bahagya dahil biglang sumulpot si Tess sa likod ko

"Huh? anong ganon iyon?" patay malisiyang tanong ko sa kaniya kahit may clue na ako kong ano ang ibig niyang sabihin

"si young master kako, anong ganap? palagi siyang tulala" parang nag-aalala ring saad ni tess ngunit nag-kibit balikat nalang ako

hindi korin alam...

»»»»

"IDOL BEBANG!" napalingon ako sa tumawag sakin at nakitang si roy, liam and nathan ang dumating.

"I miss you Idol" nagulat pa ako nong yakapin ako nito pero hindi konalang pinansin at ngumiti nalang sa kanila. tinignan ko si liam at nathan na halatang naiilang sakin kaya napapangisi nalang ako ng palihim.

"Idol pupunta kami sa beach sasama ka ah!" nakangiting saad ni Roy ngunit hindi ako umimik, sigurado naman akong hindi ako isasama ni master dahil gala iyon ng magbabarkada.

Nakita kong pababa na si master at may dalang malaking bag

"Woo..handang handa ah!" pang-aasar pa ni roy ngunit hindi umimik at tumango nalang si master sa sinabe niya

"Dalian mo. ayaw kong naghihintay" seryusong saad ni master at walang emosyong tumingen sakin. Nagulohan panga ako dahil akala ko'y hindi ako isasama pero hito ako ngayon at nagmamadali

nagmadali akong magbihis at mag handa ng damit na dadalhin.

Bakit bigla nalang siyang nag iba?

Nasa isang sasakyan kaming apat. si master ang nag dradrive habang katabe niya si nathan at katabe ko naman si Roy at Liam

panay ang buntong hininga ko habang nakatingen sa labas

Ano bang papel ko sa mundo?

Napailing nalang ako sa naisip at pinagmasdan ang bawat dadaanan namin, hindi narin ako nagtanong kong saan kami pupunta basta ang alam ko 'beach' daw.

"Idol bebang" nalingon ako kay roy na kasalukoyang katabe ko "Pweding pahiga sa balikat mo?" Tumango lang ako tsaka isinenyas iyong balikat ko

Inihiga nito ang ulo sakin kaya straight lang akong umupo upang hindi siya maistorbo hindi naman ako nakakaramdam nang ilang marahel ay malapit na ang loob ko kay roy

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now