CHAPTER 23

2.4K 75 8
                                    

Bebang POV

Hindi ko pinansin si Sandra at naglakad nalang ng may humawak sa kamay ko. napahinto ako at tinignan kong sino iyon

"Wag kang umasang mamahalin ka niya" seryusong sabi nito sakin habang may matalim ang matang nakapukol sakin

Iwinaksi ko ang kamay niya at tinignan rin siya nang masama.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako Umaasa" nakita ko ang pag-ngisi nito, gustong gusto niya talagang nakakarinig ng naayon sa gusto niya

ganiyan ka ba talaga sandra?

"Pero wag karing aasang babalikan kapa niya" tumalim ang tingen nito sakin habang ako ay nakatingen lang sakaniya habang may mukhang mapang-asar, ako na mismo ang umalis sa harapan niya bago pa may mangyari sa aming dalawa.

Hindi ako umaasa, Walang ganon sa sistema ko.

Pag balik ko sa room ay nakita kona iyong apat. Napatitig muna ako kay master saglit tsaka napapabuntong hiningang bumalik sa pwesto ko

"Saan ka galing?" Nilingon ko naman si master na nakataas ang mga kilay sakin.

"Bakit miss mo ako?" Pabirong sabi ko. Suminghal naman ito sakin na ikinatawa ko

"Ayan" may inihagis siya sakin na especial paper, iyong brown paper na lalagyan ng snack tuwing lunch kong itatake-out mo man ang gusto mong pag-kain.

Pwedi namang ibigay ng maayos, hindi iyong itatapon pa sa mukha ko.

Umiling akong binuksan iyon at nakitang sandwich tsaka juice ang laman, napalunok akong tumingin kay master. Wala kasi akong naalalang nag-pabili ako ng makakain sakaniya.

"Aanhin ko 'to?" Takang tanong ko sakaniya. nakita ko naman ang pag-kunot ng noo nito sakin tsaka napasinghal pa

"Try mong kainin, baka worth it rin minsan. Tsk, stupid." napakurap ako sa sinabi niya dahil parang naiinis ito

Kinain ko nalang iyong ibinigay niya dahil may iilang minuto panamang natitira bago dumating iyong next subject teacher namin.

»»»»»

P.E namin. nasa field kaming lahat kahit sobrang init, kaya ito tudo paypay ako kay master na ang sarap-sarap ng upo habang ako ay nangangalay na. Yong tingen ng iba ay sweet pero para sakin isa sa trabaho ito ng personal maid kaya habang naghihintay ng gagawin ay tudo pay-pay ko naman sa kaniya gamit notebook ko.

"Ayiee~ paypayan morin ako Idol bebang" nilingon ko si Roy. at halatang init na init na ito dahil tagak-tak na talaga ang pawis niya, kaya lalapitan kona sana siya ng may humawak sa kamay ko.

*Dug dug, Dug dug*

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingen kay master

"Dito kalang. Ako ang Asikasuhin mo tsk." napairap nalang ako dahil sa kasungitan nito.

Tirik na tirik ang araw pero nasa field kami at naglalaru ng 'Catch the ball' ayaw ko na sanang  makisali ngunit ang sama ng tingen sakin nong teacher namin sa P.E kaya nakisali nalang ako para sa grades.

Naka P.E uniform kaming lahat, pinagsama na nong teacher namin iyong section niya at section namin sa araw na ito.

Tsk maswerte ka talaga bebang.

Kitang kita ko si Sandra na panay tingen may master habang ngumi-ngiti na para bang naiimagine mag-isa

bakit hindi nalang niya lapitan? Para siyang baliw sa ginagawa niya.

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now