CHAPTER 28

2.2K 75 9
                                    

Dwight POV

Pansamantalang titira samin si sandra dahil nag kasagutan sila ni Tita at nasa ibang bansa naman si welliam for some business kaya pumayag lang muna akong dito siya sa pakiki-usap ni Tita

"Maid kunin mo nga iyong purse ko sa taas" hindi nalang ako kumikibo kapag inuutosan niya si ugly maid

She's sick

May depression si sandra at nag aalala si Tita don lalo na wala itong tiwala kay welliam pero sakin meron. Napailing ako tsaka umakyat sa taas upang mag-pahinga

"Hon, Wait" hindi ko gusto ang itinatawag niya sakin ngunit hinahayaan ko nalang para walang gulo. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at lumingon kay sandra na papalapit sakin

"sa guestroom ka matutulog, wag kang mag-alala pinalinis kona iyon kanina" kita ko naman ang nalungkot ito kaya napaiwas ako ng tingen sa kaniya.

"Natatakot ako Hon baka may daga at ipis don" i pinched my nose.

Nice natatakot ka sa mga ganon pero hindi ka natatakot ma issue tayo? Tsk

"Walang daga at ipis doon. Matulog kana, goodnight" panget man tignan pero pinagsadhan ko siya ng pintuan.

Naiirita na ako kanina pa

Hindi ko maintindihan pero buong mag araw akong naiirita sa kaniya hindi tulad nong dati gustong gusto ko siyang kasama at makita pero ngayon-hays. Hindi ko nalang inisip iyon. Humiga ako sa kama while staring at my wall

Monday na naman bukas

Bebang POV

Maaga akong nagising upang ipaghanda ng makakain si master pero paglabas ko palang ng kwarto ay tanaw kona si spasol na nag-luluto

"Hi maid! nagluluto ako para kay Hon, Am i sweet?" Nope, you're a big shit. napa tsk nalang ako sa sinabi niya tsaka bumalik sa kwarto para mag-ayos

Hindi ko nalang iyon pinansin ang nakita. Matapos kong mag-ayos ay isinuot kona ang uniform na inihanda ko pa kagabe, Napabuntong hininga akong tinignan ang itchura sa salamin

"Ayii! Bagay sayo bebang" pumantay sakin si Tess ng tayo. pareho kaming naka uniform, na-alala kong ngayon pala siya papasok.

"Bagay rin sayo" nakangiting tinignan ko siya tsaka nag-thumbs up.

"Teka picture tayo" kinuha niya mula sa bulsa ang isang cellphone at panay kami kuha ng litrato sa ibat ibang angulo. Sabay kaming lumabas ng kwarto ni Tess tsaka dumiretso sa kusina kong saan doon kami kumakaing dalawa. Nang matapos kami ay agad rin kaming pumunta sa sala. Tanaw ko agad si master at spasol na nasa sala at ready ng umalis.

"see Hon? may kasama na si maid oh! Naghintay pa tuloy tayo. Let's Go" napairap nalang ako sa kaartehan ni spasol.

"Sobrang aarte" bulong sakin ni Tess kaya sininyasan ko lang siyang huwag ng pansinin.

"Let's go bebang and Terresa, you Can join us. Isa lang naman pupuntahan natin" hindi na kami umangal ni Tess at sumunod na sa dalawa, batid ko pang masama ang Loob ni sandra kaya palihim akong napapasinghal.

Tess POV

Naartehan talaga ako dito kay hitong spasol eh, napakaarte hindi naman masyadong kagandahan. nasa byahe kami at ang ingay nitong si hitong spasol panay ang buka ng bunganga wala naman kwenta ang mga sinasabi. nagtitingenan kami ni bebang habang napapangiwi

Nakarating na kami sa school at gaya ng nakasanayan madaming nakaabang sa labas ng gate, ganito lagi ang eksena nang mga makakati ang perlas sa skwelahan namin.

OMG! TOTOO NGA COMEBACK NA SILA!- sabi nang makati perlas One

OO NGA KYAHHH - sabi naman nang makati perlas person 2

HUHU BAGAY TALAGA SILA - nakasigaw pang saad nang makati ang perlas person 3

napaikot nalang ang eyeball ko dahil sa bulong-bulongan ng mga supporters ni hitong spasol, na parang nagkalat na virus sa buong paaralan.

"Anong section mo pala bebang?" Nakangiting tanong ko tumingen naman ito sakin.

"Section A, ikaw ba?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Sa tagal konang nag aaral dito, mga 3years na kasi ako nag aaral sa universidad na ito ngunit never pa ako napunta sa Section A kasi matatalino ang nandon

"Section C" sagot ko sakaniya, tumango naman ito at ngumiti.

kong idedescribe kolang si bebang ay maganda siya para sakin, iyong mukha niya ay medyo maangas at the same time maganda na cute. Basta! Ang hirap niyang basahen, minsan nga ay nagugulohan ako sa kaniya dahil iyong expression ay steady lang talaga. Palangiti naman siya pero agad rin namang mag seseryuso, Geez. Palagay ko mata ko talaga ang problema.

"BOOO!" Mula sa malayo ay tanaw ko ang lalaking sobrang puti, matangkad, gwapo at higit sa lahat yong bestfriend ko. akmang yayakap ito sakin, ngunit hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya dahilan upang mapatigil ito at mapanguso.

"Hindi ka parin nag babago, Boo. ang sungit mo parin" nakangusong ani nito ngunit napa rolled eyes lang ako sa sinabe niya. Nabaling naman ang tingen nito kay bebang na pansamantalang nasa tabe ko at nakatingen kay young master

"Boo sino siya?" Nakatulalang tanong nito habang nakatingen kay bebang, kaya siniko ko siya at binigyan ng babalang titig.

Na love at first-sight pa ata ang loko

"Ah bebang, Ito nga pala Ang kaibigan ko. Si Zern Theodore Sanchez" tumingen naman sa kaniya si bebang tsaka tumango at bumaling ulit sa master niya habang ako ay matawa-tawa dahil hindi manlang niya inabot iyong kamay ni Zern

Pftt pahiya

Nagpaalam na samin si bebang at sumunod sa master niya kaya hito ako at naglalakad narin papuntang room ko.

"Boo ilakad mo ako sa kaibigan mo. Boo sige na! Boo" sinamaan ko siya ng tingen dahil kahit sino nalang nagugustohan kulang nalang pati ako talohin nito eh.

"Manahimik kanga Zern, hindi Mo iyon madadala sa charming ok? kita mo kanina inisnob kalang. Pftt" pumasok na kami sa loob ng room at umupo na ako sa bakanteng upuan at ganon rin si zern.

Mukhang mag-kaklase na naman kaming dalawa.

"Alam mo boo, gusto ko sa babae iyong Simple pero Magandang tignan tsaka parang ikaw lang diba? Unique" Binatukan ko siya sa bunbonan dahilan upang tumigil siya sa pagsasalita.

"Omooo. TERRESAAA GIRL!" napatampal ako sa noo nong makita ang dalawang si Cely at Vel na magkasama habang papalapit sakin.

Kaklase kona naman itong tatlo!

"Terresa girl, I miss you huhu" napa rolled eyes nalang ako sa dalawa. Si Celiano Berdoza at Velirian Berdoza at OO magkapatid silang dalawa, bakla si cel habang tomboy naman si Vel.

Iwan ko sa nanay nila kong bakit sila naging ganiyan.

"Lakas ng bunganga mo Cel nakakabinge" reklamo ng kapatid niyang si Vel, iyong Tomby. Gaya nang nakasanayan ay nakacup na naman ito

"che! if i know masaya kana naman, dahil nakita mo si Terresa" mataray na sabi nito sa kapatid, habang si Vel naman ay pinanlalakihan siya ng mata.

"Eh ikaw nga masaya kang makita itong si Zern yok kadiri ka!" At nag away na naman silang dalaw sa harapan ko. napapailing nalang ako tsaka bumaling kay Zern na natatawa sa dalawa

Bakit ba nagkamayron ako ng abnormal na kaibigan!

THANK YOU FOR READING! PLEASE DO LEAVE A VOTE AND COMMENT❣

LOVELUTS-NOONA

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now