CHAPTER 29

2.3K 104 37
                                    

Bebang POV

Bago kami pumunta sa room ay inihatid mona ni master si spasol sa room niya tudo hiyawan naman ang mga Classmate ni Spasol sa kanila, habang ako ay tahimik lang na nakikinig.

comback na sila? Diba girlfriend niya yang kasama niya?

Ano kaba girl ginamit lang yan ni Dwight para maibalik sa kaniya si sandra

Hindi kona hinintay si master at ako na mismo mag-isa ang pumunta sa classroom, Baka kasi hindi ko matiis ang binubulong ng mga babaeng iyon at ihampas ko sakanila itong Bag ko.

Alam kong ginamit lang ako, atleast may Sweldo.

Papaakyat na ako ng makakasalubong ko iyong tatlong babae na umabang sakin dito rin mismo sa hagdanan nong nakaraan. Nakangisi ang nasa gitna na animoy may nabalitaang magandang balita

"see? Kalat na sa buong campus na sila na ulit ni Sandra ka-" hindi kona pinatapos ang sasabihin niya at naglakad na papunta sa room.

Naririndi ako sa paulit ulit

Pagdating ko sa room ay agad akong umupo at tumingen sa labas

Wala naman akong karapatang mag selos kahit na nasasaktan ako

Napapikit ako ng madiin at napabuntong hininga, Bakit naman nakakadown malalo? Tsk. Kong pwedi ngalang tumayo at mag-break dance para lang mawala ang feeling ko para kay master ay gagawin ko talaga

"Idol Bebang!" Napatingen ako sa pintuan ng room at nakita kodon iyong apat. Tinignan kolang si Roy tsaka bumalik ang paningen sa bintana.

Bakit ako nalulungkot?

Napapabuntong hininga nalang ako ulit. Hindi nagtagal at dumating na iyong teacher namin sa science

yong Schedule kasi namin sa umaga ay science sunod iyong English tapos math tapos lunch time, tapos babalik MAPEH, research and filipino iyong last. pero may ICT kami tuwing martes hangang miyerkulis tsaka history naman sa miyerkulis hangang biyernes tapos AP naman sa biyernes lang tsaka iyong ESP

Iba nga naman patakaran dito dahil napaghahalataang major subject iyong priority.

Nag discuss lang iyong teacher namin pero wala akong maintindihan kahit isa sa sinabe niya.

"Long quiz tayo ngayon, Please get one whole sheet of paper" napalunok ako dahil wala akong idea kong ano ang ipapa-quiz ng advicer namin kong saan science teacher rin namin.

"Ahm Ms. Makarayom excuse kalang muna. but be ready bukas ok?" Sumilay ang kunting ngiti sa labi ko at agad tumango

Yes! Ligtas ka bebang, sa wakas swenerte karin. Hay... sarap MWAHAHA

Bago lumabas ng room ay tinignan ko mona sila master, parang naiinget sila sakin kaya dinilaan ko silang apat mwehehehe.

»»»»

Ngayon ay nandito ako sa may garden dahil pansamantala akong pinalabas ng advicer namin dahil nga may long quiz iyong iba

"Bakit mo ba kasi ginalaw!" Napalingon ako sa dalawang babaeng nasa kaliwa ko medyo malayo sila sakin ng kunti ngunit kita ko iyong pag-iyak nong isa

"Hindi ko naman sinasadya" mangiyak ngiyak narin iyong isa habang may hawak na guitara.

Hula ko nasa Grade 9 palamang ang dalawang ito, nahahati kasi ang universidad na ito sa tatlong building elemententary, highschool at collage kwenento narin kasi sakin ni Tess kong anong itsura ng papasukan ko nong hindi pa ako pumapasok dito.

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now