CHAPTER 14

2.5K 86 4
                                    

Bebang POV

Nagising akong kumakalam ang sikmura, unti-unti akong umupo tsaka hinawakan ang balikat ko at tama nga ang hinala ko hindi panaginip ang nangyari.

Anong nangyari?

Huling natatandaan ko ay nasa sofa ako at natutulog pano ako napunta dito? Tinignan ko si Tess na mahimbing na natutulog sa tabe ko

Binuhat niya ba ako?

Napailing ako, hindi niya kakayanin kong siya ang bubuhat sa akin.Umiling nalang ako at tumayo upang kumain dahil gutom na talaga ako

Madilim ang paligid ng lumabas ako ng kwarto medyo masakit pa ang braso kong may benda na hindi ko alam kong saan nangaling

Hinay hinay akong nagtungo sa kusina upang maghanap ng makakain at nakita ko naman ang maliit na lamesa na may nakatakep kaya walang atubiling pumesto ako at nilantakan ang pagkain

"What the-" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni master kaya bahagya kopang naibuga ang kanin at nabilaukan kaya agad akong uminom ng tubig

"Ma-master gising kana pala master" nakataas ang kilay nitong pinagmasdan ang kabuoan ko kaya agad akong nailang

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito habang kumukuha ng iinomin sa ref.

"Ayos naman na master" tumango ito at uminom ng gatas kaya agad akong nag iwas ng tingen baka matawa ako

Ang laki laki na nag gagatas pa

"Nga pala" tinignan ko si master na nakatingen rin sa akin kaya napakunot noo ako.

"About kahapon, i'm sorry ng dahil sakin nag kaganiyan kapa" napaisip ako sa sinasabi niya at doon lang nag sink in ang nangyari sakin

"Ahhh. Yon ba? Ok lang master basta hindi ikaw ang talohin ayos nayon" napakibit balikat pa ako at asiwang ngumiti.

Hindi naman mapagkakailang naweweirdohan si master sakin

Ano naman kaya yang tingen niya

"Anyway, pack your things aalis tayo mamaya" saad nito kaya nagtaka ako, aalis? Seryuso bayan? Ang dami niya namang pinupuntahan

"San tayo pupunta master?" Nagtatakang tanong ko.

Tinignan lang ako nito at hindi sumagot kaya napapahiya akong nag iwas ng tingen.

"Car Racing" yon lang at umalis nasiya sa kusina.

Car racing? As in karera?



Tulad nang sabi ni master aalis kami pasado alas syete ng umaga ng makaalis kami sa mansion, nasa backseat lang ako at patingen-tingen sa paligid.Araw ng linggo ngayon kaya labes naman ang tuwa at kabang nararamdaman ko tuwing maiisip na may pasok na bukas

Sana maging maayos ang pag aaral ko dito

Sa baryo kasi namin madalang lang ako makapasok dahil bukod sa malayo ang paaralan namin may bayad pa tuwing mag eexam kaya tumigil ako sa pag aaral two years rin iyon collage na sana ako kong hindi lang ako tumigil sa pag aaral.

"Wag kang hihiwalay sakin, tatanga tanga kapa naman" napangiwi nalang ako sa sinabi ni master at sumunod sa kaniya.

Hindi ko aakalaing makakatong-tong ako sa ganitong lugar, pag pasok palang namin ay nalanghap kona ang alikabok marahil galing sa mga car racing.

"WHOOO ANDITO NA PALA SI BIG BOSS" mula sa kalayuan ay mga lalaking kumakaway sa gawe namin mga kaibigan ni master na minsan ng pumunta sa bahay iyong tatlong artistahen.

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now