CHAPTER 6

3.2K 99 7
                                    

Inday POV

Masaya ako sa narinig dahil sa sinabi ni kuya Dwight. nakangiti akong tumingin sa kaliwa nang Makita ko ang kapatid ni kuya Dwight na pansamantalang nakakunot ang noo at nakatingin sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay ''Wierdo'' rinig kopang sabi nito kaya pinanliitan ko siya ng mata tsaka tinarayan.

''Ah, rosalina? pakehatid sila sa kanilang kwarto'' lumapit sa amin si Rosalina at alam kong peke ang ngiti niya.

''Sumunod kayo sakin'' ngiting sabi pa nito kaya sumunod naman kami ni ate sakaniya sa itaas, isang puting pinto ang binuksan niya at tumingin samin ng walang gana

''Ito ang kwarto niyo, na kwarto ko noon nong wala pa kayo'' napakunot ang noo ko sa sinabi niya at sa tuno ng beses niya na parang sinisisi kami na hindi na niya kwarto ngayon ito.

pumasok kami ni ate sa loob at nakita ang dalawang bag. nakakalat na ang mga Damit sa labas, kaya napakunot noong tumingin ako sa kaniya ng may pag Kalito

Inaano ba namin ito?

''Ate, hindi mo naman sinara ng mabuti yong bag, yan tuloy kumalat yong damit natin''hindi ko pinahalatang iyong babae ang pinariringan ko. Lumapit ako doon at inayos ang mga damit namin, nakita ko ang isang Daul cabinet na nasa bandang kama kaya inilagay ko roon ang damit ko at kay ate

''Ate? Bakit ganon yon?'' takang Tanong ko kay ate ng pumasok ito sa loob.

''Yong ano?''hindi muna ako sumagot sa kaniya at itinupi ang dalawang bag tsaka iyon itinago at kinuha ko ang litrato nang mga magulang namin at idinisplay sa isang maliit na lamesa

''yong babaeng inutusan ni Mrs. Montero para ihatid tayo dito sa kwarto. Bakit ganon siya? Ikinalat niya yong damit natin'' nakangusong sabi ko at umupo sa tabi niya habang siya ay nakahiga

''Yon? Wala. Huwag mong isipin yon, may saltik sa pag-iisip yon'' napatingin ako sa kaniya at kasalukuyang naka pikit ito yata" hindi na ako nag-abalang magtanong dahil alam kong matutulog siya.

Napagpasiyahan kong lumabas lang muna nang kwarto at maglibot-libot sa malaking mansion na ito. ''May multo kaya dito?'' pabulong na sabi ko at bumaba ng hagdanan habang nakatingin sa malaking chandelier

bang, bang,bang, you're dead ugly...

Nagulat ako sa pag sulpot nang maliit na bata habang nakatotok sakin ang isang plastic gun

''You're already dead Ugly'' napangiwi ako sa pag English sakin ng bata kaya lalagpasan kona sana siya ng hawakan nito ang palda ko

''Popo'' sabi nito kaya napakamot ako sa ulo. dahan-dahan akong umupo upang magpantay kami

''popo? Mag-babanyo ka?'' tanong ko sa bata. bigla itong ngumuso habang tumatango kaya Napatingin ako sa paligid, at wala akong makita na katulong. tumigin ako sa bata at nakikitang pinagpapawisan na ito halatang nagpipigil

''Nako kawawa ka naman,dali. Nasaan ba ang banyo niyo dito?'' itinuro niya ang isang pintong kulay asul kaya hinawakan ko siya sa kamay at nagmadaling maglakad papunta doon.

Nakatakip ang isang kamay ko sa ilong habang nakaalalay naman ang isang kamay ko sa katawan nang bata habang pumopopo ito at seryusong nakatingin sakin kaya napaiwas akong tingin

''Tapos kana?'' tanong ko sa bata, umiling lang ito kaya napakagat labi akong tiniis ang baho ng dumi niya.

''A.B.C.D.E.F.G.H.I.J.K.L.M.N.O.P'' napatingin ako sa bata ng kumanta ito kaya sinabayan ko siya ganon nalang ang gulat ko ng tumawa ito ng malakas kaya natawa rin akong tumingin sa kaniya

''Ang pogi mo. kasing pogi ng kuya mo'' nakangiti naman itong tumingin sakin kaya nangigil ako sa ngipin niyang tutubo palang

''Tapos kana?'' tumango ito kaya dahan dahan kong hinugasan ang pwet niya ng walang pag-aalinlangan ng matapos ay tsaka naman ako nag-hugas ng maigi ng kamay tamang tama at may anti-bacteria soap sa banyong ito

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now