II: Pressure

2.4K 76 6
                                    

Fast Forward……


Kasalukuyang nagaganap ang Wit Lang sa Miss Q & A, kinakausap nina Vice at Anne ang contestant, hanggang sa matapos ang pag – iinterview dito.

“At ngayon tatanungin ka na namin, kaya tawagin na natin si Ate Girl. Jackque halika na.” sabi ni Vice habang nakatingin sa direksyon ni Jackque, kasabay naman yon ng malalakas na pagtili at sigawan ng madlang pipol sa studio, at pati na rin siguro sa mga nanonood sa kanilang mga bahay.

“Hala! Grabe na talaga ‘tong madlang people magsigawan o. Talagang inaabangan e, oh.” sabi naman ni Anne.

Nakatitig lang naman si Vice kay Jackque habang pinapabunot ang contestant sa dala niyang bowl na may lamang papel na may tanong. At binigay na ng contestant ang papel kay Vice, at sa na kasanayan, tinawag naman ni Vice si Jackque.

“Jackque!” tawag ni Vice kay Jackque, at lumingon naman si Jackque kasabay ang pagtugtog ng kantang I Can’t Fight  This Feeling Anymore at tilian ng madlang people.

“Jackque, lapit ka nga dito, anlayo mo na naman.” (sigawan at tilian  ng mga tao) lumapit din naman si Jackque sa kanya.

“Jackque, kamusta ka naman ngayon?” – Vice

“Ayos lang ako e. Ikaw ba, kamusta ka na?” – Jackque

“Eto, naguguluhan pa rin sa nararamdaman. Ikaw kasi e.” Vice

“Ha, bakit naman ako?” – Jackque

“Ikaw. Lagi ka kasing nasa isip ko.” (sigawan at tilian  ng mga tao) – Vice

“Ako din naman Vice e, naiisip din kita, lalo na kapag mag – isa ako.” (sigawan at tilian  ng mga tao) – Jackque

“Ganun ba Jackque? Naiisip mo lang ako, kapag mag – isa ka lang. E samantalang ako, lagi kitang iniisip, kahit nga may kausap ako ikaw pa din ang nasasabi ko.” (sigawan at tilian  ng mga tao) – Vice

(Nakangiti lang si Jackque)

“Alam mo Jackque, naiintindihan din naman kita e. Kasi diba, hindi ka naman ganun ka apektado sa sitwasyon na ‘to. – Vice

“Yun ba talaga nakikita mong pinaparamdam ko sa'yo?" - Jackque

"Oo, sa simula pa lang naman nito, naaapektuhan na ako e. Hindi ko na talaga maintindihan kung totoo ba o hindi?" - Vice

"Ako rin naman Vice e, naguguluhan na din sa nangyayare." - Jackque

Napatitig na lang si Vice kay Jackque, na parang may gustong sabihin na natatakot ilabas. Hindi naman napigil ni Jackque ang kiligin sa loob loob niya, dahil sa malalim na titig ni Vice sa kanya.

(Sandaling katahimikan)

Napansin naman ni Anne ang katahimikang ito, kaya't ito ay kanyang binasag.

"O, natameme ka dyan sis? Tuloy niyo yan no." - Anne

Hindi naman pinansin ni Vice si Anne, at nagpatuloy na lang sa pagkausap kay Jackque.

"Alam mo Jackque, marami na rin tayong sinasabi e." (sabay tingin sa taas at tumitig kay Jackque)

"Bat di na lang natin totohanin to Jackque?" medyo nanginginig na sabi ni vice kay Jackque, dahil sa takot na naramdaman niya pagkasabi sa linyang yon. Nagtilian din naman ang mga tao sa studio.

Natahimik naman si Jackque sa sinabing iyon ni Vice, at dahilan na rin para magbago ang ekspresyon niya sa mukha. Kung kanina ito'y nakangiti, ngayon naman ay napawi ito at napatingin na lang sa ibaba. Kakaibang kabog kasi sa dibdib ang naramdaman niya nang marinig niya iyon, mula kay Vice. Di mawari kung kaba, kilig o kung ano man ang naramdaman niya. Di naman siya nakapag salita agad, at muling tumitig naman kay Vice. Bigla niya din naman naramdaman ang kaba sa dibdib. Buti na lamang at sinalo ito ni Anne.

"Dude, wag mo naman i - pressure si Jackque. Baka kasi nabibigla ka din sa mga sinasabi mo diba?" - pagsingit ni Anne, at ikinaluwag naman ito sa damdamin ni Jackque, dahil sa ngayon ay di pa din alam ang isasagot kay Vice.

Hinawi naman ni Vice ang buhok ni Jackque patalikod, at siya din namang ikinakilig ng mga tao sa studio at mga manonood sa mga bahay.

"Sige, Jackque. Magta trabaho na muna ako ulit ah. Magpahinga ka muna dun. Sige." - Vice

Tanging ngiti na lamang ang naisagot ni Jackque kay Vice. Naintindihan naman iyon ni Vice, dahil nahalata niya din na na tense si Jackque kanina sa kanyang huling tanong.

Bumalik na lamang silang dalawa sa pagta trabaho, hanggang sa matapos ang Showtime.



Yay! Another Chapter ulit na talaga naman napakacorny. Pero sana mag tuloy tuloy na ito hanggang sa matapos!





Vote and Comment your suggestions po.

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now