XI: Teksmeyt

1.4K 59 18
                                    




Vice.








Natapos ang araw na ito ng may malaking ngiti sa labi ni Vice. Dahilan para maging good mood siya ngayong gabi. Sa labis na kaligayahan, naging dahilan na rin para tumulong si Vice na maghain ng pagkain para sa hapunan nila. Napansin naman iyon ng mga angels ni Vice sa bahay niya. Ngiting aso at nagbubulungan ang mga angels habang naglalagay ng mga plato, kutsara’t tinidor sa lamesa. Pagkatapos nilang maghain, ay kumain na rin sila. At nang di naman mapigilan ng mga angels ni Vice na magtanong, ay nagtanong din naman sila para malinawan din sila.

“Ser, ngiting tagumpay tayo ah.” Tanong ng isang angel habang tinatapik siya nito sa balikat.

“Ha, hindi ah. Kayo naman. Wala ‘to, wala ‘to.” Sabi ni Vice habang nagpapabebe.

“Ser, alam ko yang mga ngiting yan. Ngiting inlababo.”

“E?” sabi ni Vice ng nakataas ang isang kilay at bahagyang nakangiti.

“’Wag ka na pong tumanggi Ser, syempre nararanasan din naming ang mainlove no. Lalo na pag naaalala ko yung mga moments namen. Yung kunwari, naghahain ako ng mga plato, tapos ngiting – ngiti ako, tapos yung pakanta – kanta pa ako. Yung mga ganon? Gaya ng mga ginawa mo kanina Ser, iba e. May samting ba?”

“Ewan ko sa’yo dyan, kumain ka na lang.” sabi ni Vice at dumiretso na lang sa pagkain.

“Sige po, sabi mo e.”
Ngumiti na lang si Vice.

“Ay sya nga pala, mamaya aalis na ako ha. Mag – iingat kayo dito sa bahay.”

“Ay ser, kayo po ang mag – iingat dun sa ibang bansa. At tsaka, baka makahanap kayo ng poreber dun.”

“Haha, hindi na ‘no, nandito na kasi yung poreber ko sa Pilipinas.”

“Hala si Ser o, inlabey.”

“Kumain na lang kayo jan.”

Pagkatapos kumain, inayos na ni Vice ang kanyang iba pang gamit para sa dadalhin sa America at Canada. Napaisip naman siya ng malalim ng nang maisip niya na medyo matatagalan di ang pagkikita nila ni Jackque. At syempre bukod dun, mami – miis niya din ang Showtime Family.
Sa pag – iisip ng mga bagay na ikakalungkot nya pagdating sa ibang bansa, bigla namang tumunog ang kanyang phone, at agad nya naman itong kinuha sa kanyang bulsa. Pagkatingin sa phone ay isang text mula kay Jackque ang bumungad sa kanya.

From: Jackie❤
Hi Vice, kamusta ka na? Gabi na, kumain ka na ba?

Isang ngiti naman ang naguhit sa labi ni Vice nang makita nya ang text na iyon ni Jackque. Agad naman nag – reply si Vice kay Jackque.

From: Vice❤
Oo Jackie, nakakain na ako. Ikaw ba?, Tsaka na – miss mo agad ako ah. Ikaw Jackque ha.

Kilig na may halong ngiti naman ang tanging nagawa ni Jackque sa reply na iyon ni Vice. Dahil na rin sa na – miss nya rin agad naman si Vice. Bago sya mag – reply, humiga na sya sa kanyang kama.

To: Vice❤
Buti naman nakakain ka na, at tsaka ayos lang din ako.

To: Jackie❤
E, hindi mo pa sinasagot yung isa kong tanong. Namiss mo ba ako?

To: Vice❤
Ano ka ba, di na tinatanong yan no.

To: Jackie❤
Sagutin mo na lang kasi Jackque.

To: Vice❤
Fine, na – miss agad kita. Walang halong echos yun ha.

To: Jackie❤
Jackie,for sure kinikilig ka dyan no? Basa na ba Jackie?

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now