XV: Walwal

1.1K 43 9
                                    



To: Vice❤

Sorry talaga Vice, alam kong di madaling bitawan yung mga pinagsamahan natin. Oo, mahal kita Vice. Pero mahal ko din yung sarili ko. At tsaka mali talaga 'tong sa'tin, di ba alam mo naman yung sitwasyon ko? Ayokong ipagpatuloy pa'to kasi alam kong masasaktan lang tayo parehas sa huli. Salamat sa lahat lahat. I love you Vice. Bye.

@vicegandako

Sumuko ka na agad.

After 3 weeks...

Nagsasalaysay.

Tanghali na nang gumising si Vice dahil Linggo din naman, walang Showtime. Di lang din dahil dun, napuyat din siya dahil iniisip pa rin niya yung mga sinabi sa kanya ni Jackque kagabi. Kung ano - ano na lamang din ang pumapasok sa isipan ni Vice, kesyo baka iwasan na talaga sya ni Jackque, baka di na sya i - text, at syempre baka di na rin sya tawagan. Masakit din naman yun sa parte ni Vice.

Vice.

Bumaba na lang ako papuntang kusina para kumain, nagugutom na ako e. Ako ba naman tanghali na gumising. Di ko na syempre inutos yung paghain ng kakainin ko, madali na yun.

Habang kumakain ako, bumabalik pa rin yung 'huling' text nya sakin. Sobrang sakit kasi, di pa nagiging kami naghiwalay na agad kami. Hays. Buhay talaga parang life.

You have new message:

Vhong:

Brad, nakita ko yung tweet mo sa Twitter. May problema ka ba?

Ahh. Si Vhong pala 'to. Hay, talaga naman si Vhong oh, napa - alala na naman. Naisip ko na naman si Jackque, pero nireplyan ko na lang si Vhong para naman may karamay ako sa nararamdaman ko ngayon.

Vice:

Vhong, si Jackie kasi e. Di na sya pumapayag na mag text at magtawagan kami. Di ko kaya yun no?

Vhong:

Naku! Binata ka na talaga brad. Hahaha! Galawang highschool yan e.

Vice:

Gagi. Seryoso ako! Bahlakajan.

Vhong:

Hoy! Eto naman di mabiro. Galit agad e. Sorry na.

Vice:

Ano na ba gagawin ko? Ayaw na niya e.

Vhong:

E, brad respetuhin mo na lang yung desisyon nya. Yun ang gusto nya e.

Vice:

E, diba sabi mo dati... Ipaglaban ko. E bat ngayon pinapasuko mo na ako?

Vhong:

Oo, alam ko. Pero iba yung sitwasyon ngayon e, nagdesisyon na sya. Ayaw na nya. Brad, alam kong masakit yang pinagdadaanan mo pero kailangan mo lang tanggapin yung sinabi nya. Mamili ka, yung kukulitin mo pa sya na magagalit pa sya sa'yo or di mo na sya kukulitin, pero di kayo mag - aaway?

Vice:

Sa totoo lang, di ko din alam Vhong e. Sobra talaga akong nahihirapan. Hindi ko na nga maisipan pang pumasok sa Showtime e.

Vhong:

Dapat maging matatag ka Vice. Alam kong sobrang sakit talaga nyan. Pero kailangan mo na talagang mag moveon. Marami pang babae dyan no.

Vice:

Yuck! Kadiri ka Vhong! By the way, bye na. Thank you na din. Nabawasan pagka stress ko ngayon. ❤👄

Vhong:

Yieee. Bye.

Nilapag ko na yung phone ko sa table, para makakain na ako ng diretso. Habang kumakain ako, naiisip ko pa rin si Jackque. Kanina lang, iniisip ko sya. Ngayon, naiisip ko pa din. Hay, pag - ibig nga naman. Minsan nasasaktan ka, minsan masarap sa pakiramdam. Sobrang gulo talaga pag umiibig.

Ayan na naman ang pag - eemote ko. By the way, patapos na pala akong kumain, di ko na namalayan kakatulala ko dito. Pagkatapos kong kumain, nilagay ko na yung plato sa lababo, then ako na din naghugas. Diretso ligo na lang ako, kasi nagyaya din ang AnneRylle na mag - jamming daw kami sa Rockstar KTV. Syempre pumayag ako sina Anne yun e. Ansama naman pag di ako pumayag, tsaka para na rin malibang ako ng konti.

Pagkatapos kong lumigo, sinuot ko na agad yung kinuhang damit ni Bonita sa closet. Blue large t - shirt, and ripped jeans with yellow Off - White belt. Yung typical na outfit ko sa It' Showtime. Then, light makeup lang pinagawa ko kay Buern para fresh fresh lang ang dating.

After 1 hour...

Pumasok na ako sa room then...

"Hoy!"

"Ay putanginamo!" sigaw ko. Jongina talaga 'tong si Vhong e. Ang hilig hilig manggulat. At tawang - tawa naman etong sina Anne.

"Nakakatawa yon? Siraulo talaga e" sigaw ko sa kanila ulit.

"E kasi naman, ang lungkot ng mukha mo. Kaya ginulat kita." sabi naman ng magaling na si Ferdinand,,, este Vhong.

"E, ano naman? Sumaya ba ako nung ginulat mo ako?" pamimilosopo kong sabi sa kanya.

"Oh, sorry na agad. Tara na dito o! Nandito tayo para magsaya e. Tara na." pangsusuyo naman ni Vhong sa akin, kaya huminahon na ako. (Yiiee! #teambrad #vhoice)

"Shige ne nga!" pagpapabebe ko naman, sabay kagat ko ng index finger ko.

Nagtawanan naman silang lahat sa ginawa ko. Psh.

"You what guys, let's just have some fun. No more galit muna." sabi naman ni ngangabu. Pero may point sya dun.

At nagsimula na kaming naghanap ng kakantahin. At syempre, si Anne na rin ang naunang mag play ng kanta, sino pa nga ba? Ako naman, naghahanap pa ako ng BoyzIIMen na kanta, yung I'll Make Love To You. Isa din yun sa mga favorite kong songs e. At ayun! Nakita ko din sa wakas. Ni reserve ko na sya, syempre, kailangan kong mag emote emote dito, para feel na feel ang song.

🎵🎶Rock my world into the sunlight... make this dream the best I've ever known...
Dirty dancing in the moonlight... take me down like I'm a domino...🎶🎵

"Hay nako, Aning! Mangbabasag ka na naman ng mga eardrums ng mga kasama mo. Pero okay lang yan, love pa rin kita."

"Awww... Love you too, sis."

"Joke lang..." biro ko sa kanya.

"Aaaa. Sis!"

"Charot lang." amin ko sa kanya. Sabay baling ulit sa phone ko.

Bigla naman akong tinapik ni Vhong, dahil kanta ko na pala ang nagpe play. Intro pa lang ang sakit na.


3... 2... 1...


🎶Close your eyes, make a wish.
      And dun dun, the candlelight
      For tonight, is just the night
      .................🎵🎶




"Whooohhh!" sigawan ng mga baliw kong friends, na tila ba galing na galing sa pagkanta ko. Eto namang si Vhong, may pa giling giling pa sa tabi ko, kala mo naman na aakit ako. No way!





To be continued...





Ig: weyvenmawi
Tw: reybenmsl

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now