IV: Tweets

1.7K 59 4
                                    

Vice.

Para na naman akong baliw dito. Nakangiti mag - isa, habang nakatingin sa mga tweets dito sa Twitter. Puro na lang Karylle, at Jackque ang nakikita ko dito sa Twitter ko. O, at may nag tweet pa tungkol samin nina Jackque at K.

@luhkareytie:

@vicegandako Alam niyo po, bagay talaga kayo ni Ate Girl @jaki_gonzaga.

@layannvicejack:

ViceJack na lang talaga nagpapasaya sakin. Kayo na lang kasi @vicegandako @jaki_gonzaga.

@vicejackonly:

@vicegandako Kayo na lang po kasi ni Ate @jaki_gonzaga.

@viceryllebaby1:

Wala na! ViceRylle pa rin. Walang magbabago. Tandaan niyo yan mga ViceJack fans. #VKparin #BuKo #ViceRylle @anakarylletatlonghari @vicegandako

@vkvicrylle:

Nakakainis yung mga ViceJack/ViAck fans, kala mo kung sino, e kakakilala lang naman ng Jackie chuchu nila. Pfft. Basta Vicerylle pa din @vicegandako

Hay. Wala akong panahon magpapapatol dito sa mga 'to, pero kung ako pupunuin nila, magttweet talaga ako ng bongga e. Walang pakundangan sa mga tweets. Aba naman! At tina tag pa ako sa tweet ah, ano ba namang mga fans ito. But don't get me wrong ah, mahal ko 'tong mga fans na ito e, pero yung abuso na. Porke kase hindi ako minsan nagttweet, e hindi ko na alam ang pinag ttweet nila. Hintayin niyo lang ako mapuno nito, bubuhos ko yung saloobin ko.

Sa kabilang banda...

Nagaganap naman ang rehearsals ng mga It's Showtime Dancers para bukas sa opening prod ni Kim Chiu bukas. Samantala, parang nawawala naman sa sarili si Jackque ngayon habang nagsasayaw, malalim ang iniisip at malayo ang tingin. Kung titingnan mo ay parang pinagsakluban ng langit at lupa, parang lahat ng problema ng tao dinadamdam niya. Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Madc. Isa sa mga kasamahan niya at matalik niyang kaibigan.

"Oy, Ate Guurll!"

Pero di naman agad ito napansin ni Jackque kaya tinawag niya ulit ito.

"Hoy, Jackque tot. Humarap ka nga." sabi ni Madc kasabay ang bahagyang paghila nito sa kanya.

Kaya't naging dahilan naman ito ng pagkagulat kay Jackque, at humarap na din kay Madc.

"O, Madc"

"O, Madc." panggagaya pa ni Madc sa kanya.

"Kanina pa kaya kita tinatawag. Ano ka ba, kanina ka pa nakatulala dyan ah. Nakadrugs ka ba?"

"Wa- wala. May iniisip lang ako."

"Ha? Ediwow. Sobrang lalim ba niyang iniisip mo?"

"Ewan ko? Nakakapagpabagabag kasi sakin e."

"Ha! Nakakapagbag-babagagbagababag?" natatawang sambit Madc.

Natawa naman si Jackque sa kaibigan kaya't bahagya niyang kinurot ito sa hita ng mahina lang naman. Hindi na rin naman tinanong ni Madc ang naiisip ni Jackque, dahil mukha talagang seryoso si Jackque.

Kaya't nag pagpatuloy naman ang kanilang pagrehearse para bukas. Nabalik naman si Jackque sa tamang wisyo. Masigla na rin sya sa paghataw ng sayaw.






At jan nagtatapos ang aking storya.






Hahaha char lang. Sorry guys, medyo nalate ng pag ud ha. Bawi ako next chapter.






Vote and comment your suggestions.

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now