V: Biruan?

1.7K 63 14
                                    





Kasalukuyan.

Nagaganap naman ang FUNnanghalian na segment sa Showtime

“Ano kaya ang lalaruin natin ngayon?” sabi ni Tyang Amy habang nakaturo sa screen.

At yun na nga, PUROKatatawanan ang napili na lalaruin. Kaya’t nag usap-usap na ang bawat grupo kung sino ang unang magjojoke.

Fast forward…

Ang una namang magjo joke ay ang purokababaihan. Nakapili na naman sila kung sino ang pambato nila, at yun ay si Jackque.

“O, si Jackque ang unang magjo joke samin, yari kayo.” sabi ni Anne habang pinapapunta si Jackque sa may buzzer.
Nag tilian naman ang mga ViceJack fans at madlang people sa studio. Tuwang tuwa din naman si Jackque dahil sa suportang nararamdaman niya, at kumaway na rin.

“Jackque pumili ka na kung sino ang iyong makakatapat.” sabi ni Tyang Amy, kasabay ng mga tilian ng mga tao.

Samantala, di naman mapigilan ng mga tao na maghiyawan dahil sa kilig, nang si Vice ang napili ni Jackque na makatapat.

“Gusto kita Vice”

Napangiti na lang sina Vice at Jackque nang magtama ang kanilang mga mata. At pinagpatuloy ang joke na inihanda.

Fast forward…

Pagkalipas ng ilan pang oras ay nagtungo naman sa segment na Miss Q & A. Sa side naman ni Jackque ay nabalik naman ang sobrang kabang kanyang nararamdaman. Di na naman kasi sya mapakali tuwing dadako na sa oras na magbibigay na siya ng papel na may katanungan, kaya’t nanood na lamang siya kay Vice na nagpapatawa upang maibsan at makalimutan ang kaba.

Hanggang sa…

“Maraming salamat sa iyo candidate number 2, magtungo naman tayo sa pagtatanungan. Tawagin na natin ang magbibigay sa'yo ng katanungan.” sabi ni Vice.

“Ate Girl, Jackque. Halika na!”

Nagtilian naman ng malakas ang mga tao sa studio na parang kakakita lang kay Jackque. Pagkatapos ay tinawag na niya si Jackque.

“Jackque” (tilian) sabay ang paglingon niya.

Napapatitig din naman si Vice kay Jackque nang makita ulit ito.

“Jackque, lapit ka dito. Anlayo mo na naman.”

At lumapit din naman si Jackque, at ngayon ay katapat na niya.

"Jackque, namiss mo ba ako?" diretsahang tanong ni Vice kay Jackque.

"Oo naman, kahit kanina lang pareho tayong nasa FUNanghalian." sabi ni Jackque kasabay ang pagtilian ng mga tao.

"Totoo ba yan?"

"Oo naman."

“E yung kanina Jackque, yung sinabi mo kanina sa PUROKatatawanan, totoo ba yun?” sabi ni Vice habang nakakatitig kay Jackque, kasabay ang hiyawan at tilian ng madlang people.

“Alin dun, Vice?”

“Yung joke mo, yung joke Jackque. Totoo ba yun?” pagjo joke ni Vice, na syang nag patawa kay Jackque at madlang people.

“Hinde, yung sinabi mong gusto mo ako. Ayoko din naman kasing mag assume, kaya tinatanong ko na agad sa’yo para malaman ko, hindi yung umaasa lang pala ako, ang hirap din naman kasing umasa Jackque.” (tilian at hiyawan)

"Pinapaasa mo ba ako Jackque?" diretsahang tanong ulit ni Vice kay Jackque.

"Hindi."

"So, gusto mo talaga ako Jackque?"  (tilian at hiyawan)

“Oo, gusto kita. Diba, matagal ko nang sinabi yun sa’yo. Hindi lang dun sa laro kanina.” (tilian at hiyawan)

“Talaga Jackque, hindi biro yun?”

“Oo naman."

"Talaga?"

"Oo nga."

"O, pano mo papatunayang gusto mo ko talaga."

"Tatagal ba tayo ng ganitong sitwasyon kung hindi totoo?"

Bigla namang napatigil at nanatiling nakangiti habang nakatitig si Vice kay Jackque, dahil mukhang may point si Jackque sa sinabi niyang iyon.

"Talaga Jackque?"

"Oo naman. Kelan ba ako nagbiro?"

“Kelan ka nagbiro? Eto, tuwing sinasabi mo yung mga sinasabi mo sakin.”

“Sa tingin mo ba, biro lang lahat ‘to sa’yo, kung ganon. Edi lahat pala ng ito, panay biro lang pala lahat para sa’yo.” (tilian at hiyawan)

“Hindi ko na rin kasi alam kung ano ba yung totoo sa lahat ng sinasabi natin. Kaya tinatanong ko kung biruan pa ba ‘to.”

“Ikaw, tatanungin kita. Para sa’yo, ano ba ‘tong lahat sa’yo?”

Napatawa naman si Anne para kay Vice, sa tanong na iyon ni Jackque.

“Hahaha! Back to you ka ngayon. Sagutin mo yan dude.”

“Para sakin? Alam mo Jackque, sa totoo lang naguguluhan ako e. Pero parang bakit nagugustuhan kita?” pabulong na sabi ni Vice sa mic.

At hindi naman iyon nakaligtas sa madlang people. Kaya’t lumakas nang lumakas ang hiyawan at tilian ng mga ViceJack fans at madlang people sa studio.

“Yun naman pala e. Bakit di niyo na lang totohanin?” pagsingit ni Anne.

“Hinde, ayoko naman nang minamadali si Jackque e. Hahayaan ko na lang muna na makapag isip isip kaming dalawa. Para pag nakapag disesyon na kami. Tutuloy na namin. Sige Jackque, magtatrabaho na muna ako a. Usap tayo ulit mamaya.” pagputol ni Vice sa moment nilang dalawa ni Jackque.



Hi guys. Sana kinilig kayo. Sana ganito na lang yung nangyayari sa ST. Hahaha! Para masaya lahat ng fans.



Vote and comment your suggestions.



By the way guys. Kung gusto niyo po akong i follow sa iba kong social media accounts, eto po yung mga username ko.




Ig: ravenxvi
Twitter: akoposiravenm

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now