XIII: For You

1.2K 46 5
                                    

Nagsasalaysay.











Pagkatapos ng It’s Showtime, dumiretso naman agad si Vice sa DR para kunin ang pasalubong niya kay Jackque. Syempre totoo yung sinabi niya kanina na may pasalubong siya, ayaw niya din itong umasa. Pinatawag naman niya si Jackque para papuntahin sa DR niya. Siya lang din naman ang tao dun, kaya pwede silang mag – usap ng masinsinan. At ilang minute din ay kumatok na din si Jackque sa pinto ng dressing room ni Vice. Bigla naman naramdaman ni Vice ang kaba, dahil baka si Jackque na iyon, at nang pagbuksan niya ng pinto ang kumatok, hindi siya nagkamali. Dahil si Jackque nga ito.

“Ah, Jackque. Halika, upo ka ditto. Wait lang ah, may kukunin lang ako dun.” Pagbati ni Vice at kinuha ang regalo para kay Jackque.

“Sige.” Sagot ni Jackque.
Habang nakaupo si Jackque, inikot – ikot naman niya ang kanyang mata sa silid para di naman siya ma – bored habang may kinukuha pa si Vice, ngunit ilang saglit pa ay bumalik naman agad si Vice, kaya’t binaling niya ulit ang kanyang tingin kay Vice, dala – dala ang isang paper bag.

“Jackque, diba sinabi ko may pasalubong ako sa’yo. Totoo yun ah, baka sabihin mo ino – okray lang kita ha.”

“Hala hindi ah. Ano ka ba, ayos lang ‘no ma----.” Hindi na naman nakapagsalita pa si Jackque nang ilagay ni Vice ang kanyang daliri sa labi ni Jackque.

“Jackque, alam mo ang dami mo laging sinasabi.” Pangiting sabi ni Vice. Habang si Jackque ay napapatawa rin.

“Oh, eto na oh! Di ko alam size ng panty mo e, kaya sana kasya sa’yo?”

“Hala! Seryoso?” napalaki naman ang mata ni Jackque sa sinabi na iyon ni Vice.
Tiningnan naman agad ni Jackque ang paper bag, para masigurado kung panty nga ito. At gumaan naman ng kaunti ang kanyang pakiramdam nang malaman na hindi ito panty kundi isang mamahaling pares ng sapatos at dalawang jacket na Supreme. At sa pangalawang pagkakataon, napalaki uli ang kanyang mata nang makita ang laman ng paper bag.

“Uy, mahal ‘to ah. Kala ko joke joke lang.”

“Ano ka ba? Sa’yo nga ito. O.” sabay abot niya kay Jackque.

“Salamat ah. Di mo naman na dapat gawin to no? Ayos na yung bumalik ka na.” sabi ni Jackque at humabol pa ng isang kindat.

“Hmmmh. kaw Jaki ah. Pinapakilig mo ako ah. ‘Gang dito ba naman Jaki ah. Ikaw ah.” Pabebeng sambit ni Vice.

“Hahaha ikaw talaga!” humagalpak naman ng tawa si Jackque sa sinabi si Vice at muntikan na rin niyang mahampas si Vice sa sobrang tawa.

“Hahaha. Thank you Jackque ah. Tuwing magkikita talaga tayo, napapangiti at napapasaya mo ako.”

“Hmm. Ako nga dapat nagpapasalamat e. Ikaw naman talaga nagpapasaya sakin e, tsaka sa mga tao. Sobrang dami mong napapasaya.”

Sa sinabing iyon ni Jackque, kasabay naman iyon ng pagpalit ng kanyang ekspresyon sa mukha. At napansin naman iyon ni Vice kahit nakatungo na si Jackque.

“O, bakit Jackque?” sabay yakap ni Vice sakanya.

“Ah. Wa – wala, may naalala lang ako.”

“Ano yun? May nang bash ba sa’yo, may nang away? Sasabunutan ko!” sabi ni Vice habang hawak – hawak ang kamay ni Jackque.

Napangiti naman si Jackque sa naging reaksyon ni Vice dahil di niya inaasahan ito.

“Ano kaba, wala ‘no? Ayos lang ako, promise…. Ay sya nga pala Vice, sobrang salamat pala dito sa pasalubong mo ah, na – appreciate ko talaga, thank you.” Sabi ni Jackque, sabay yakap kay Vice.

Tanging matamis na ngiti na lamang ang nagawa ni Vice matapos siyang yakapin ni Jackque, na pa bang unang beses ng kanilang yakapan. Samantala, nag – paalam naman si Vice na umalis na dahil may lalakaran pa sila kasama ang mga kaibigan niya. Nagtungo na rin si Jackque sa mga kasamahan niya sa Showtime. Pagkatapos umalis ni Vice sa dressing room ay dumiretso na rin sya sa sasakyan nya, at nagtungo sa bahay para sunduin sina Bonita.



Pasado alas – singko naman nang makarating si Vice sa bahay niya, dumiretso na rin siya sa kanyang kwarto para magpahinga muna. Habang nakahiga si Vice, pumasok naman si Bonita sa kwarto niya, at sumalampak din sa kama. At sa inaasahan, syempre mangungulit na naman si Bonita tungkol kay Jackque.

“Woi! Meme, totoo bang may pasalubong ka kay Jackque, napanood ko kanina ah. Wala naman akong nakitang pasalubong mo kay Jackque?”

“Andami mo agad nasabi ah, tsaka, kung meron man akong regalo kay Jackque, secret na ‘yon.”

“Ang damot naman, dali na kaseee!!”

“Heh! Basta, wag ka nang makulet okay?”

“Ehh. Dali na kasi ano yun?”

Sa pag – uusap naman ng dalawa, bigla naman pumasok si Budi sa kwarto ni Vice at humirit ng…

“Hi Meme, nabigay mo na ba kay Jackque yung pasalubong mo?” confident na pagkakasabi ni Budi kay Vice.
Napamulaga naman si Bonita sa sinabi ni Vice.

“Oh, tamo! Si Budi alam niyang may pasalubong ka nga kay Jackque, tapos ako di ko alam. Hmmm. ANPEYR!”

“Eh kasi naman, pag nalaman mo mangungulit ka na naman katulad ng ginagawa mo ngayon.”

“Naman e, basta anpeyr!! Lalayas na ako dito!” sabi ni Bonita, sabay tumalikod at ngumiti.

“Oh sige!” sabi nina Vice at Budi kay Bonita, na tila nang – aasar pa.

“Hoy, eto naman nagjo – joke lang naman ako, kayo naman. Bawal ba mag – joke?”

“Eh ikaw kasi e.” sabi ni Vice habang natatawa pa.

“Kala mo, malalaman ko din yan, aabangan ko yan sa Instagram, fa – follow ko si Jackque sa ig, hmmm!”

“Hahaha! E, hindi ko naman pinapa – post kay Jackque yung pasalubong ko sa kanya e.” sabi pa ni Vice.

“Ehhh, andaya mo naman”
Humagalpak naman sa tawa sina Vice at Budi, dahil gusting – gusto malaman ni Bonita na malaman ang pasalubing nya kay Jackque.


















Isang napaka corny na update ulit ngayon.

. Btw guys, may pasalubong ba talaga si Vice kay Jackque or meron talaga? Hahaha gulo ko! Or di talaga pinapost ni Vice kay Ate Girl yung pasalubong nya, para di na kumalat at di na pag – usapan? Ewan ko lang, naiintriga kasi ako. Hahaha!







Ig: weyvenmawi
Twitter: akoposiravenm

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now