XVIII: Jealous Jackque feat. ViceAnne

1K 42 3
                                    

Eto na yung nirerequest ng iba, na gusto daw nila magselos si Jackque.


Nagsasalaysay.


Maagang nakarating si Vice sa It's Showtime, dahilan na rin para kantyawan siya ng mga co - hosts na sina Vhong. Nagpadala din si Karylle ng pagkain para sa hosts at kay Direk, absent kasi si K kaya naisipan niyang magpadala para makabawi. Maya - maya pa, pumunta si Anne sa dressing room ni Vice, para kumustahin siya.

"Annyeong sis!" bati ni Anne kay Vice, sabay yakap sa likod niya.

" Uy, Anne ikaw pala yan. Sorry talaga kagabi ha. Umuwi agad ako." sabi naman ni Vice, sabay hawak sa mukha ni Anne.

“Ano ka ba? That’s okay noh, ako naman nagpauwi na sa’yo e, kase, nakita kita kagabi malungkot ka. Kaya naisip ko na lang na pauwiin ka. Kasi maingay sa Rockstar.” Ani Anne.

“Thank you Anne ah, naiintindihan mo ako.”

“Oo naman, sissy kita e… Hmmm, sis; pwede ba malaman kung bakit ka malungkot?”

“Hmp. Sabi ko na nga ba e.”
“Sige na sis.”

“O sya, eto na, sasabihin ko na.”

Umupo na lang si Anne sa harap ni Vice para maganda rin ang kwentuhan nilang dalawa.

“Si Jackque kasi, diba nakekwento ko sa’yo. Ayaw na nyang may communication kami. Ayun, syempre masakit, pero kailangan kong tanggapin. Kasi diba, pag tinuloy ko pa, kapag kinulit ko pa sya, baka lumayo na sya ng tuluyan sakin.”

“Omg sis, ang sakit nga nyan… Pero pa’no na yan, malapit na Miss Q & A diba? So ano gagawin mo?”

“Yun na nga, naiisip ko na din yan e. Ayoko din namang sabihin kay Direk na may tampuhang nagaganap sa’ming dalawa ni Jackque. Alangan namang sabihin ko kay Direk na alisin muna pansamantala si Jackque sa Miss Q & A diba?”

“May point ka naman jan sis, pero syempre, it would be very awkward na sa Miss Q & A nyan.”

“Alam ko na yan e. Pero, dapat kayanin ko diba? Syempre dapat tiisin ko diba? Parang tae lang yan.”

“Oh my gosh, sis! Ang bastos mo naman. Ano ba yan?”

“E, ganun talaga!”

“Hay nako.”

Mahigit ilang minuto din ang pagkekwentuhan ng dalawa. Marami – rami ding problema ang na share ni Vice, ganun din ang mga tagos sa pusong advice ni Anne. Maya – maya pa, nagsisimula na ang Showtime. Naghanda na din silang lahat para lumabas, at para mag trabaho. Dahil kanina pa magkausap at magkasama sina Vice at Anne, sabay na din silang pumasok sa studio Eat Bulaga… este It’s Showtime.

Pagkatapos ng opening numbers ng mga special guests at theme song ng Showtime, ay nag FUNanghalian na. Pagkatapos naman ng sayaw nina Tyang Amy, ay in – introduce na niya ang lalaruin, at iyon ay ang PUROKatatawanan.

“At eto naman ang mga poging – poging Team na mga palaban at hindi uso ang dayaan… ang PUROKalalakihan… kasama sina Vice, Vhong, Jhong, Jugs and Teddy, Hashtags Mccoy, Luke, Nikko, Rayt and Ryle.” Pagi – introduce ni Tyang Amy sa Team Boys.

Nang maglabasan ang Team Boys, tumugtog na ang Kapag Tumibok Ang Puso, kasabay naman iyon ng hiyawan at sigawan ng audience sa studio. Dahil gusto talaga ni Vice itong sinasayaw, hataw na hataw siyang sumayaw sa stage, kaya naman mas lalong gumulo ang mga fans sa loob ng studio. Sa hataw namang iyon, hingal na hingal naman niyang tinapos ang kanilang sayaw, at nagpahinga sa tabi.

“Give na give ka ngayon Vice ah.”

“Oo nga Tyang e, nakakapagod pala yun?”

“Syempre!” natatawang sabi ni Vhong, matapos sumingit sa usapan nina Vice at Tyang Amy.

“Oo nga naman Vice. Hahaha” sabi naman ni Tyang Amy.

Sumunod namang tawagin ni Tyang Amy ang PUROKababaihan. Sa araw namang ito, kasama si Jackque sa segment kaya natawag din siyang maglalaro, kasama ang iba pang Showtime Dancers na sina Madc, Melvie at Cashmir.

Nagsimula nang sumayaw ang Team Girls. Sa side naman ng Team Boys, panay naman ang kanilang mga pang - aasar sa Team Girls. Ngunit si Vice ay iba, nagchi - cheer lang sa tabi, pero imbes na si Jackque ang ang i - cheer dahil siya ang on-screen love team nya ngayon, si Anne ang binibigkas ng kanyang bibig. Kanya kanya namang tilian ang mga fans sa loob ng studio.

Sa loob loob naman ni Jackque, may selos naman siyang nararamdaman, na hindi niya maipaliwanag kung bakit niya iyon nararamdaman. Habang chini - cheer ni Vice si Anne, tingin lang ng tingin si Jackque sa direksyon ni Anne at Vice. Pero naiisip din niya na baka nagtatampo pa rin Vice sa kanya, kaya si Anne ang chini cheer ni Vice.









Pabitin muna guysh....





To be continued....

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now