III: Tanggi pa more

1.8K 74 6
                                    

Vice.

Nakatitig lang naman si Vice sa kanyang cellphone na parang hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Kaya't kinuha na lamang niya ang remote control ng tv, at binuksan ito. Nilipat lipat ang mga channel dahil di niya gusto ang mga palabas ngayon.

Maya - maya pa lamang ay pinatay na niya ang tv, nang biglang....

"O, Meme? Tulaley ka dyan. Anyare?" sabi ni Bonita pagkapasok niya sa kwarto ni Vice at sumalampak sa kama.

Tumingin lang naman si Vice sa kanya, at muling tumitig sa kisame.

Napuna naman ni Bonita ang pagtingin lamang sa kanya ni Vice, kaya't napag tripan naman niyang kunan ito ng video gamit ang pang IG story. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pasimpleng kinuhaan ito ng video, habang naka ngisi.

bonitapenaranda: "Ano kayang iniisip ni Meme?" paglagay pa niya ng caption sa loob ng video.

"Huy! Bakit ka ba tulala dyan? Isa 'tong himala ah." natatawang sabi pa ni Bonita.

"Wala. Kasi si Ja..." napatigil na lamang siya sa pagsasalita dahil sa pangalang mababanggit niya.

Napaisip naman si Bonita kung sinong "Ja" ba ang tinutukoy ni Vice.

"Ha, Ja..? Sinong Ja? Ja - Ja -Ja... Jackque? Si Jackque, Ate Girl? Si Ate Girl?" hindi siguradong tanong ni Bonita kay Vice, habang nakataas ang dalawang kilay.

Napatingin lang din naman si Vice kay Bonita dahil si Jackque naman talaga ang kanyang tinutukoy.

"O, anong meron kay Jackque? Bakit nafa fall ka na ano?" nagbibirong sabi ni Bonita kay Vice habang kinikiliti ito sa kilikili.

"Ano ka ba? Bakit naman ako mafafall dun?" nakakunot na noong sabi ni Vice na tumingin na lang sa phone nya.

"Asus. Sabi mo pa nga kanina "Wala. Kasi si Ja..." panggagaya ni Bonita kay Vice, na sya namang inkinainis ni Vice.

"Bahlakajan. Kung ano ano sinasabi mo." nakakunot pa ring sambit ni Vice.

"Tanggi pa more, Meme. Alam ko yang mga tingin na yan. Tingin ng nafa fall yan. Hahaha!" sabi ni Bonita habang palabas ng kwarto at akmang babatuhin ni Vice ng sapatos, pero sa awa ng Diyos nakalabas agad si Bonita ng kwarto.

Bumalik naman sa pagkamasigla si Vice, dahil sa wakas ay may nakausap na ito tungkol kay Jackque, kahit wagas niya itong itinatanggi.



Yay! Another Chapter ulit na talaga naman napakacorny. Pero sana mag tuloy tuloy na ito hanggang sa matapos!

Vote and Comment your suggestions po.

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now