XVII: Jackque... Jackque... Jackque

1K 41 7
                                    

Nagsasalaysay.



Pasado alas dose na nang makarating sa bahay sina Vice kasama ang kanyang mga kaibigan. Dumiretso na lang siya sa kanyang kama at nag scroll – scroll sa kanyang Instagram. Maya – maya pa ay pumasok si Budi sa kanyang kwarto para makipagkwentuhan, dahil tinawag siya ni Vice. Para din malibang ang kanyang sarili.

“Budi, kunwari pag may gusto ka sa isang lalaki, tapos may ibang girlfriend, ipapagpatuloy mo pa rin?” seryoyong tanong ni Vice kay Budi.

“Ano ba namang tanong yan, ang hirap?” pang – iirap pa ni Budi kay Vice.

“Eh? Pag nararanasan mo naman, madali na lang sagutin e.”

“Yun na nga e, di ko pa nararanasan.”

“Ano ba yan? Totoo ba?

“Oo nga!”

“Tss..”

“Bakit mo pala na natanong?”

“Wala lang.”

“Weh?”

“Oo nga.”

“Alam ko pag may problema ka ‘no. Dami mong tanong.”

“Eeee! Bahala ka jan. Kung ayaw mo maniwala, go.” Napahikab na lang si Vice habang nagsasalita, saw akas ay dinalaw na siya ng antok.

“Hayyy. Antok na ako. Tulog na tayo.”

“Alelele… Umiiwas ka lang sa usapan e. Sus! O sya, goodnight.”

“Night”

Pagkalabas ni Budi sa kwarto ni Vice, dumiretso na lang siya sa pagtulog.


Jackque.



Kahit alas dose na, hindi pa rin talaga ako makatulog. Wala pa naman din akong magawa ngayon. Hay. So, naisipan ko na lang na manuod ng movies sa laptop ko. Pagkakuha ko sa laptop ko, bumaba na ako sa hagdan para kumuha ng midnight snack, para may nginunguya habang nanonood ako. Eto lang din naman yung ginagawa ko kapag wala akong magawa. Pagkakuha ko ng mga pagkain sa ref, umakyat na ulit ako papuntang kwarto ko. Binuksan ko na agad yung laptop ko, at naghanap ng magandang movie na papanuorin, ayoko din naman nung Horror, dahil malalim na ang gabi. Since, favorite ko ang KathNiel, nakita ko yung movie nilang Can’t Help Falling In Love.

Paano kung meron kang partner ngayon pero mahal mo, tapos nahuhulog ka na sa isang taong lagi mong kasama, nakakapagpangiti sa’yo, nararamdaman mo yung kilig pag kasama mo sya? Ipapagpatuloy mo pa ba yung nararamdaman mo, kahit mali? Sobrang hirap sagutin dahil sobrang kumplikado ng sitwasyon. Yung sitwasyong mali, pero ginagawa mo pa rin. Pero gagawin mo yung tama, kasi alam mong masasaktan siya.

Pagkatapos ng ilan pang oras, naapos ko na din yung movie kanina pa, at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kahit konti. Tiningnan ko yung phone ko, aba! alas kwatro na pala, kaya’t naisipan kong bumili na sa labas ng pandesal. Pagkababa ko, nakita ko si Mommy na umiinom ng tubig, nagpaalam na lang ako bumili sa labas. Naglakad na lang ako papuntang bakery, sobrang lapit lang naman, isang tawiran lang ilang lakad.

“Hello ate, 50 pesos na pandesal nga po.” Sabi ko kay ateng nakatalikod sa may istante ng iba’t – ibang tinapay nilang tinitinda.

“Ay, ikaw pala yan Ate Girl. Wait lang po ah.” Sagot naman ni Ate na tinder.

“Sige po.” Sabi ko naman.

May mga ibang bumibili na, at kasabay naman iyon ng kanilang pagpapa – picture sa akin.

“Hala, Jackque. Pwede papicture?” tanong ng isang nanay mga edad 45 pataas.

“Sige po mommy.”

“Ate Girl, ako din po.” Sabi naman ng isang dalagang babae, pagkatapos magpa picture ni nanay.

“Sige.”

“Hi ate girl, ViceJack Lover po ako, and Jakinatic. Fan na fan mo po ako. Ako po si Nancy.” Sambit ng isang fan na nagpakilala.

“Hala! Thank you, Nancy.” Sabi ko naman.

Di nagtagal ay dumating na yung pandesal na binibili ko, sakto kasi wala ng nagpapapicture. Madami – dami na ring tumatakbo na mga sasakyan sa kalsada.

May nakita naman akong batang tatawid, kaya sinamahan ko na siya. Pagkalapit ko sakanya, nakita kong may sugat pala siya sa paa, kaya habang tumatawid kami, paika – ika siya sa paglakad.




Nagsasalaysay.



Hindi naman namalayan ni Jackque na may rumaragasang kotse papunta sa direksyon nila. Napalingon na lamang si Jackque dahil isang mahabang busina ang kanyang narinig. Kaya’t marahan niyang tinulak ang bata sa tabi. Pero…


Ddduuuggssshhhh!!”



“Atee!” sigaw ng bata habang nakaupo sa sahig.

Dahan – dahang tumayo ang bata, upang humingi ng tulong sa mga taong nandoon. Nakita din naman agad ng mga tao si Jackque na nakahandusay, kaya’t tinulungan nila ito kaagad. Nakita din naman ng isang lalaking kapitbahay si Jackque, katya’t tumakbo ito at pumunt sa bahay nina Jackque.

Sunod – sunod naman ang doorbell ng lalaki dahil sa pagmamadali. Kaya’t nakalabas agad ang nanay ni Jackque.

“Nanay, si Jackque po yung anak mo nasagasaan!” Sambit ng lalaki habang humahangos at kinakabahan.

“Ano?”

“Si Jackque po nay! Tara na po, nandoon po siya o. Kuya para, sa kanto lang. Nay tara na!”

“Bakit naman kaya ito nangyari sa anak ko?” sabi ng nanay ni Jackque habang humahagulgol. Hindi na rin nagawang tawagin pa ng nanay ni Jackque ang kanyang mga kapatid dahil sa kaba at pagmamadali.

“Nay, hindi na po tumigil yung gagong driver na nakasagasa kay Jackque.”

“Ano ba naman yan?” sabi ng nanay ni Jackque, at hindi pa tumitigil sa pagiyak.
Pagkarating ng nanay ni Jackque, kasama ang kapitbahay nila, naabutan nilang sinasakay na si Jackque sa isang tricycle. Tumakbo naman agad sila at nagmadaling sumakay ang nanay ni Jackque sa tricycle.
Pagkarating nila sa ospital ay hiniga na agad siya sa higaan at minamadaling tinutulak papuntang ER.

“Jackque… Jackque… Jackque…” ang tanging nasasambit ng nanay ni Jackque, habang humahagulgol.






“Jackque… Jackque… Jackque…”





“Jackque… Jackque… Jackque…”






“Huy bakla! Gising na! Anong oras na, may pasok ka pa no?” sigaw ni Budi habang tinatapik si Vice sa balikat, dahil hindi pa rin ito gumigising.

“Jackque… Jackque…” ang tanging sinasab ni Vice.

Hindi na naman matimpi ni Budi si Vice sa pag – gising kaya’t nilagay ni Budi ang hawak niyang basong may malamig na tubig sa mukha ni Vice para magising na ito.

“Jackque!” sambit ni Vice at biglang napaupo sa higaan. Pero natapon naman sa damit ni Budi ang tunig dahil sa biglaang pagbangon ni Vice.

“Ayan, kabaklaan mo! Natapon tuloy.”

“Nasaan yung phone ko?” tanong ni Vice nang may kabog sa dibdib.

“Ayan o.” turo ni Budi sa phone ni Vice sa lamesang nasa tabi ng kama ni Vice.
Agad namang kinuha ni Vice ang phone niya at agad na tinawagan si Jackque.

"Putangina! Ang sama ng panaginip ko.!"

"Ano ba yun?" Tanong ni Budi.

"Wala. Wala. Tara na sa baba."





Bumaba na sina Vice sa kusina, para sabay sabay na ding kumain.





Hi guys, pinagisipan ko talaga kung ilalagay ko pa itong scene na ganun. Katakot kasi e. Pero btw. Sana nadala kayo. Hahahah. Kala nyo mamamatay si jaki no? No way. Hahaha. Sorry sa late ud.

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now