IX: Kilig mats

1.6K 46 21
                                    



Nagsasalaysay.















Tila good mood na good mood ngayon si Vice habang nakikipaglaro sa It's Showtime hosts. Inaasar naman nila si Vice dahil hindi ito na late sa araw na ito. Habang naglalaro ay napatingin naman si Vice sa direksyon ng naglalakad na mga dancers. Sa isip isip niya ay naroon din si Jackque. Ngunit, wala sya. Di niya kasama ang iba pang dancers.

"Oy, brad. Hinahanap mo si Jackque no?"

"Oo e. Nakita mo na ba sya?"

"Hindi pa din e. Malay mo naman mamaya, nandyan lang pala sya."

"Sana nga." lungkot na sabi ni Vice.

"Tara na nga muna dito. Ang drama drama na e."

"Sige."
















Jackque.

















"Breathe in, breathe out. Breathe in, breathe out."

Tila isang contestant naman si Jackque sa ginagawa niya. Sobra siyang kinakabahan ngayon. Alam niyang sanay na siya sa harapan ng maraming tao, ngunit bakit ganito yung nararamdaman niya. Di mapakali, sobrang kinakabahan, namumula pa nga e.













Bakit kaya?














Fast forward...

















Ilang minuto na lamang ay maibibigay na ni Jackque ang mga katanungan sa dala niyang bowl.

Habang ang mga tao sa studio ay tawang tawa sa mga jokes nina Vice, si Jackque naman ay nakaramdam ulit ng pagkakaba. Papikitpikit ang mga mata, pinapadyak ng konti ang kanang paa.





Hanggang sa...





"Tara na, magtanungan na tayo. Jackque, halika na."

Ngiting tagumpay naman si Vice dahil sa pumasok na ulit si Jackque sa Showtime, di na rin niya mapigilang tumitig kay Jackque habang naglalakad palapit sa kanila. Bukod na rin sa kanina niya pa ito hinahanap, excited na rin niyang kausapin si Jackque.

Aalis pa lang si Jackque sa pwesto ay hinawakan na agad ni Vice ang braso ni Jackque at pinalapit aa kanya.

"Jackque!"

"Hi"

"Jackque?"

"Vice?

"Jackque, namiss kita."

(Ngiti lang si Jackque)

"Ikaw, Jackque namiss mo ba ako?"

"Oo naman, sino ba namang di makaka miss sa'yo?

(A/N: Putek! Kinikilig ako, sa totoo lang habang tina type ko to.)

Ngumiti naman ulit si Vice, at pinipigilang kiligin sa harap ni Jackque.

"Vice, kinikilig ka ba?" singit ni Anne.

Di naman pinansin ni Vice si Anne, at pinagpatuloy na lamang ang pakikipagusap kay Jackque.

"Jackque, san ka ba nagpunta?"

"Dyan lang, sa tabi tabi. Nagpa miss lamg naman ako e."

"Jackque, bakit ka ba laging nagpapa miss?"

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now