XX: Jealous Jackque feat. ViceAnne III

932 34 9
                                    


Nagsasalaysay.


Booggggssshhhh!!



"Aray!" sabi ni Jackque habang hinihimas ang ulo, matapos makipag - untugan kay Madc.

"Ja - jackque? Bakit ka naman nagmamadaling maglakad, taeng - tae kana ba Ate Gurl? Naguntugan pa tuloy tayo."

"Naguntugan lang, walang TAYO, parang kami." biglang sambit naman ni Jackque, habang himas pa rin ang bahagi ng kanyang ulong nauntog. Napataas naman ng dalawang kilay si Madc sa sinabi ni Jackque.

"Ja - jackque, ikaw ba yan? Di ka naman ganyan dati ah. May problem ka no?"

"Hala, bakit mo naman nasabing may problema ako?" Biglang balik naman sa wisyo si jackque, sa tanong ni Madc.

"Hoy! Vavae! Ilang taon na tayong mag bffs tapos araw araw tayo magkasama no? Kaya alam ko, kung may problema ka o wala. Alam ko yang mga pa - ganyanganyan mo na yan."

"Fine! Si ano kasi e..." sabay tingin sa paligid, baka may makarinig ng pinag - uusapan nila.

" Sino?"

"Sino pa? Edi si Vice." pabulong na sabi ni Jackque, habang nakatingin sa salamin.

"Oh? Anyare sainyo?"

"Feeling ko kasi... parang pinagseselos niya ako kanina sa FUNanghalian... ayun lang."

"Ha? Wow naman! Pinagje - jejelly ka, wait lang ah... baka naman nasobrahan ka lang sa pagka assuming mo nyan." sarkastikong pagkakasabi ni Madc.

"Ugh! Mad naman e... basta, feel ko talaga pinagseselos niya ako." napanguso naman si Jackque dahil naalala na naman niya ang nangyari kanina.




Sa pag - uusap nina Jackque at Madc, di man lang nila namalayang tahimik na nakikinig si Vice sa likod ng pinto ng girl's washroom, at pinipigilang ngumiti at tumawa dahil parang nagwo - work ang kanilang plano ni Anne kanina, sa dressing room bago magsimula ang It's Showtime.




Flashback...




To be continued...

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now