X: Aykentbilivit

1.9K 59 12
                                    

Nagsasalaysay.






Dumating na si Vice sa bahay, at humiga sa kama, nag tingin tingin naman sa Instagram kung ano naman ang kaganapan doon.


Habang nagi instagram ay may nakita siyang di niya inaasahan.










Sa pag scroll ni Vice sa Instagram niya, nakita niya ang di niya inaasahan.

Ang picture ni Jackque at Hashtag Tom. Pagkakita ni Vice ay napalitan naman ng lungkot ang kanina pang nakangiti niyang labi. Di naman kasi alam ni Vice na may boyfriend pala itong si Jackque. Tila, nanghinayang naman si Vice sa natuklasan dahil sa lahat ba naman ng magugustuhan niya, may sabit pa. Napapunas na lang si Vice sa kanyang mata dahil sa luhang namuo sa kanyang mga mata.

Sa sobrang lungkot ay napagpasyahan naman niyang tawagan muna ang katrabaho at matalik na kaibigan na si Ferdinand... este Vhong pala, dahil si Vhong pa lang ang nakakaalam tungkol kay Jackque. Pagkatapos idial ang number ni Vhong, ilang segundo pa lamang ay sinagot naman agad iyon ni Vhong.

"Hello Vhong." sabi ni Vice, habang humihikbi hikbi.

"O, brad. Napatawag ka, teka.... umiiyak ka ba?"

"Vhoonnng!" nanghihinayang na sambit ni Vice kasabay ang pagtulo ng luha at pagpisil sa kanyang kumot.

“Oh, brad. Huy, Vice sumagot ka nga. Bakit ka umiiyak?” sabi ni Vhong, habang napaupo sa sahig.

“Vhoonng… Ang sakit sakit!” sabi ni Vice habang tumitindi ang pag – iyak.

“Alin ang masakit, bakit? May nangyari ba sa’yo?”

“Vhoonng. Sobrang sakit.”

“E, ano ba kasi yuunn. Kinakabahan naman ako sa’yo e” sabi ni Vhong na napatayo sa kinauupuan at naglakad pabalik – balik.

“Vhoonng. Pag nagmahal ka ng isang tao, tapos meron pala syang iba, anong gagawin mo?”

“Di pa nangyayari sakin yan brad e. Pero pag mahal ko, syempre ipaglalaban ko yun. Teka, bakit mo naman natanong?”

“Vhong, si Jackque kasi…”

“Si Jackque ay…?” bigla naman napaisip si Vhong.

“Naku, may boyfriend si Jackque no?”

“O – oo. Pa’no mo nalaman?”

“Syempre hula ko lang, Bakit, magkaka ganyan k aba kung walang boyfriend si Jackque? Pero, alam mo brad. Napansin ko, Ngayon ka lang umiyak sa babae ah.”
Napatawa naman ng bahagya si Vice habang lumuluha pa din.

“O, ayan. Napatawa na kita, tahan ka na kasi.”

“Ang sakit kasi talaga Vhong e, di ko matanggap.”

“Vice, mahal mo ba talaga?”

“Ano ba naman na tanong yan, syempre mahal ko na.”

“O, na fall ka na pala e.”

“O, tapos…?”

“E, may boyfriend. Wala na tayong magagawa.”

“E, basta ipaglalaban ko ‘to.”

“Uy, brad naririnig mo ba sarili mo? Mahirap yang kung ano mang binabalak mo no. E, kung yan ang gusto mo. Support na lang ako, syempre kaibigan kita. Tsaka, isipin mo din ng matagal yan, wag padalos dalos brad. Babae lang yan.” Napatawa naman ng slight si Vhong pagkasabi niya ng “babae”.

“Salamat talaga sa support ah. Maaasahan ka talaga pagdating sa love e.”

“E, ganun talaga.”

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now