Chapter 51 : Kingdom of Magic

1.4K 29 3
                                    

Chris's POV

Inis akong bumangon sa kama dahil kanina pa ako ginigising ni Miya. Hinabol ko siya papunta sa kusina. Natanaw ko doon si Mommy na nagluluto. Agad ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Umagang-umaga! Ano na naman yung pinag-aawayan niyo?" natatawang tanong ni Mommy.

"Si Miya kasi!"

"Hahaha! Umupo na lang kayo" biglang lumitaw si Daddy nang hindi ko namamalayan.

Dad is always like that. Hindi ko namamalayan na nandito na siya siya sa tabi o sa likod ko. Para siyang nag-teteleport na hindi mo alam.

"I have a question.." napatingin kaming lahat kay Miya. "Totoo po ba yung mahika?"

Tumingin muna si Daddy kay Mommy. "Mm." natatawang sagot ni Daddy. "Magic can happen any time and in any way, and it's for you to believe whether it is true or not."

'Yan na naman siya sa pagtatanong tungkol sa mahika na 'yan.

"You read too much fantasy books, Miya. " I jokingly said. "By the way.. kailan tayo pupunta kay Lolo Jack?" pag-iiba ko ng usapan.

"Mamaya.." nakangising sagot niya. "May ipapakilala rin kami sa inyo."

"Sino?"

"Malalaman niyo." Dad took a sip of his coffee. "May dala kaming mga damit niyo at doon muna kayo matutulog."

"Kasama kayo?" natigilan sila at maya-maya ngumiti na naman.

"Lahat ng tanong niyo ay magkakaroon ng sagot balang araw."

She unconciously laughed her way out of this conversation. Hindi ko rin namalayan na masyado kong sineseryoso ang sinasabi nila Mommy. I didn't even notice that I stared at her too long.

What is.. happening?

Buong buhay namin ni Miya ay nawiwierduhan kami sa kanila. Kung may tinatanong kami lagi nilang sagot, "Malalaman niyo rin', 'Bukas ko na sasabihin', 'Sa tamang panahon niyo malalaman 'yan', at kaming dalawa? In-oop nila kami masyado!


Nagtataka naman ako kung bakit ang dami naming dala na damit. Parang isang taon kami magtatagal sa bahay ni Lolo. Binuksan na ni Dad ang radyo at tungkol na naman sa mga taong may kapangyarihan ang naririnig ko. Napangiwi ako dahil paulit-ulit lang naman yung mga balita na naririnig ko araw-araw hays.

"Mahika? Totoo ba? Lalaki, nabuhay dahil sa animo'y paggamit ng mahika bago dumaan ang paparating na tren."

"Naniniwala ba kayo diyan?" bored kong tanong habang suot ang headphone ko.

"Hm? Depende 'yan sa paniniwala mo, Chris.." Dad answered.

Always the safe choice.

"Uso ngayon fake news Dad noh? Wizards and other people who has magical powers doesn't exist"

Tumawa silang dalawa "Matulog nalang muna kayo"

Ako nga pala si Chris Anderson Edwards. My Father's name is James Edwards and my Mom's name is Christine Anderson-Edwards. Kapatid ko si Miya Edwards at isa siyang K-POP fan. Sa kwarto niya puro mga korean groups at mga mukha ng mga korean na idolo niya ang mga nasa poster. I even heard her singing a song that I don't even understand the lyrics tsk. May pagkaisip bata din kapatid ko.

"Kuya! Kilala mo ba si Jisoo?" nakangusong tanong niya saakin.

"Hindi.."

'Double kill! Triple kill! Maniac!'

The Fallen Kingdom: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon