Chapter 56 : Mystery 1

330 14 1
                                    

Chris's POV

"Hinahamon mo ba talaga ako?" taas-kilay kong tanong.

Napangiwi siya at diretsong tumingin na saakin "Kung gusto mo maging pinakamalakas na mage? Learn to control your anger"

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Miya..

'She looks damn fine and relaxed..'

"See? Cool your ass Kid!"

Ngumisi ako "Mabilis akong mapikon.."

Hindi ko namamalayan na gumawa na ako ng apoy na nakapaligid sa kanya. Huminga ako ng malalim dahil kusa siyang nagkakaroon ng apoy. Dahan-dahan siyang napatingin saakin.

"Anong ginagawa mo?" taas-kilay niyang tanong.

"Hindi ko alam" walang gana kong sagot "Mukhang makakapatay ako ng walang dahilan"

Bumuntong hininga siya "I'm a fire specialist, madalas ang mga taong may fire power ay mainit ang ulo. Kilala mo naman si Jack diba?"

"Sinong Jack?"

"Yung dating Professor sa Kingdom.. siya ang isa sa mga taong tumulong sa Kingdom" inirapan niya ako "Do you even study the History of Mage Kingdom?"

"Aba'y malay ko ba! Hindi naman ako taga dito" inis kong sabi.

Nagulat lang ako nung may sumulpot na isang lalaki. Parang may kung anong itim na portal ang lumitaw at lumabas si Unknown na hawak ang kanyang toothbrush.

"For my sake! Umuwi na kayong dalawa!" maawtoridad na utos ni Unknown "Delikado dito pag gabi.. baka may naliligaw na mga Dark Mage.."

"Dark Mage?" taas-kilay kong tanong at huminga siya ng malalim na parang naiinis na saakin.

"Come inside the portal!" nawawalan niyang gana na utos saamin at tumingin saakin "Mas lalo ka na.. pinapasakit mo ang ulo ko!"

Napanguso ako. Bakit parang stress na stress si Unknown ngayon..

"Dahil may record ka agad sa eskwelahan mo!" biglang sigaw niya saakin "Hindi mo dapat pwedeng gamitin ang power mo sa labas unless may permit ka o isa ka sa mga pinakamalakas na mage katulad ko!" siningit pa niyang yabang sa sarili niya "Dahil may kontrol na ako hindi katulad mo na walang pakialam sa kapaligiran!"

Nagulat ang ako nung hinila na niya kami ni Miya sa loob ng portal. Napunta kami sa isang kwarto? Puro mga picture na babae ang mga dito.. este mga babae niya.

"You know? Masyadong bata ka pa para tingnan ang mga yan.." sabat na naman ni Unknown sa tabi ko "Susumbong kita sa Tatay mo"

Bumuntong hininga ako "I'm the Prince of this Kingdom.."

"Hmm?" kumunot ang noo niya.

"I can do anything right?" paniniguradong tanong ko sa kanya.

"Royalty is not an exemption" natatawang sabi niya "It's not even fair for the people"

Sumimangot ako "Ano ang purpose ng pagiging anak ni Dad?"

The Fallen Kingdom: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon