Chapter 72 : Love and Hatred

174 7 1
                                    

Shadow's POV

I wore a black classic tuxedo. Tumingin ako sa salamin at napakagat ng labi. Nakaattend na ako ng ilang mga formal events pero ngayon lang ako kinabahan.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang bracelet ko na gawa sa ginto. Hindi 'to para sa mga babae. Kulay itim ito at may kumikinang na gold sa tabi.

Bumaba ako sa hagdanan para kay Caleb. Kung tinatanong niyo ka kung bakit ko siya kinakausap gamit ang first name niya? It is because he never treated me as his son. He always care his business more than me.

"Umalis?" inosente kong sabi at tiningnan kung nasa banyo ba siya o nasa kusina.

'Umalis talaga?'

Napapikit ako. Magkikita kami sa school at sabay-sabay na kaming pupunta doon. Pumunta uli ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko.

'Fine.. it's not that ugly!'

Lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang pintuan. Tiningnan ko ang mga taong naglilinis sa labas at ang mga batang naglalaro din.

'This innocent people..'

Napatingin silang lahat saakin at bigla na lang lumayo..

Napaiwas ako ng tingin. May naramdaman akong kirot ngunit hindi ko na lang ito masyadong pinansin. Sinubukan kong mawalan ng emosyon ang mukha ko.

'This is why I hate feelings..'

Diretsong naglakad ako papunta sa School ng hindi lumilingon sa mga tao. Masyadong mababa ang presensiya nila Pero kapag nakikita nila ako ay biglang lumalakas na parang kinakabahan ang mga taong nasa paligid ko.

Pagkapasok ko pa lang sa School ay biglang napatingin na ang ibang mga estudyante saakin galing ibang klase. Kumunot ako ng makitang napaamang ang mga bibig nila.

'Siguro nasa office ang mga classmate ko?'

Umakyat ako ng hagdan. May mga napapatingin saakin na nagbubulungan. Napayuko ako. Bakit parang pinag-uusapan nila ako tsk? I think they dislike me!

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan. Nakita ko silang nag-uusap at sabay-sabay na lumingon saakin na bahagyang natigilan pa at natahimik.

Napangisi saakin si Darien "You look nice Devereaux? May pinopormahan ka na ba ng babae?"

Suminghap ako "Shut up.."

He wore a grey suit in a black dress shirt with a hat. Idagdag mo pa ang hikaw na kulay silver. Nakakatusok din ang buhok niya na pinakulayan pa niya na kulay dark blue.

"You look big time.." nakangising bulong naman saakin ni Zayden.

He also wore a gray tuxedo. Mas lalong napakita nilang dalawa ang mga features bilang Hunter at Flynn. Ngumisi silang dalawa saakin na tila inaasar ako.

Ito ang unang beses nila akong makikitang naka ganito na suot. I don't like fashion. Kahit ilang beses akong umattend ng mga formal events ay solo naman ako palagi at 'di nagpapakita.

Nakasimangot saakin Si Miya at si Ashley naman ay tila napatitig din saakin. Ngumiti siya saakin at nag-thumbs. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko at umiwas ng tingin.

"The guy yesterday was so annoying and weird at the same time!" nakangusong sambit ni Miya at napailing.

Kumunot ang noo ko "Describe the guy.."

"I can't. He's a dark mage at maraming nakatakip sa katawan niya.."

Napatango ako "Atleast ligtas kang nakauwi.."

The Fallen Kingdom: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon