Chapter 60 : Necromancy

236 13 0
                                    

Miya's POV

Napahilamos ako. Masyado yata akong nagooverthink. I should not be doing this pero bakit kasi ang daming nangyari hays..

Hindi tuloy ako makatingin ng diretso kay Ate Ashley na diretsong nakatingin naman saakin! Nabigla lang ako nung may pumitik sa noo ko.

"Damn it! Are you even listening to me?" nakasimangot niyang sabi pero lutang pa din ako "MIYA?!"

"OH?! Ano?! Ano?!" inis kong tanong sa kanya pero mas lalong humaba ang nguso niya!

"Anong nangyari sa inyo?!"

"Bakit hindi nalang si Ate Ashley tanungin mo?!" inis kong sabi "Wala na akong matandaan!"

"Maski isang pangyayari?!"

"Oo kaya shattap ka nalang!" inis kong sabi at tumayo sa upuan.

Binuksan ko ang pintuan at mabilis lumabas sa kwarto. Masyadong nahihiya ako ngayon kay Ate Ashley..

"Miya? Pwede ba tayo mag-usap?"

Nanginig ako nung marinig ko ang boses ni Ate Ashley! Agad akong napalingon sa kanya. Walang emosyong nakatingin siya saakin pero unti-unting nagiging soft ang ekspresyon ng mukha niya.

"Pwede mo bang wag sabihin kay Chris na.. ex ko si Phoenix?"

Tumawa ako para lumuwag ang atmosphere na sinasakop ako "Hahaha wala naman siyang pakialam eh.."

Huminga siya ng malalim "Please Miya? Don't you say anything regarding on what you heard on that day?"

Tinitigan ko siya "Kuya does not care about others that much.." nakanguso kong sabi "He does not care about the surroundings especially if it is only one's conversation"

Bahagyang hindi siya nakapagsalita siya at maya-maya tumawa "Parehas pala kami.."

"Bakit?"

"Haha wala lang.."

Bumuntong hininga ako. Tinalikuran ko na siya pero naglalakad lang siya sa gilid ko na parang binabantayan ang bawat kilos ko!

"Ate Ashley? Bakit mo ako sinusundan??" diretsong tanong ko.

"Hindi kita sinusundan.."

"Eh?"

"Isang exit lang ang meron.."

'Ay oo nga noh..'

"A-Ah sige Ate? Mag-ingat ka sa pag-uwi!" nakangiti kong sabi at tinaas na ang kamay ko.

Ashley's POV

'Damn..'

Umuwi na ako sa bahay. Napatingin ako sa mga bata na naghihintay palagi saakin na makauwi. Nakita ko ang pinakabata sa kanila at ningitian ko.

"Nandito uli kami sa harap ng Mansion mo, Ate Ashley!"

Ngumiti ako "Gusto niyo kumain?"

Umiling sila "Kakakain lang po namin.. pero hihingi na din po kami para kay Lola!"

Napangiti na naman ako at binigyan sila ng 1000 MM. Lumaki pa ang mata nila at magsasalita sana kaso nilagay ko agad ang hintuturo ko sa may labi nila.

"Shh.. baka may makarinig saatin.. baka maingit.. Sige kayo.. mawawalan ako ng pera" kunwaring pananakot ko pa sa kanila at ngumuso.

"Ay shhh.." panggagaya niya saakin habang sinesenyasan din ang mga kapatid niya na manahimik "Salamat po!"

Tumango ako. Huminga na ako ng malalim nung pumasok na ako sa bahay. Naghanda ako ng mga gloves para magkaroon ako ng control sa bagay na hinahawakan ko. Masyadong delikado kasi ng kapangyarihan ko! Binigyan nila ako ng kakaibang bracelet na para daw makontrol ang yelo na magagawa ko. Pinalagyan pa nila ako ng kakaibang tattoo na nagkokontrol din daw ng kapangyarihan ko. Kulay blue at nilagay nila ito sa likod ko. Kung may pagkakataon na umiilaw 'to, ibig sabihin ay nasosobrahan na ako sa paggamit. Pwede akong mamatay dahil sa pagiging overpowered din.

The Fallen Kingdom: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon