Chapter 57 : Mystery 2

299 15 0
                                    

Chris's POV

'Hm..'

"Chris? Gising ka na?"

Agad na tumayo ang katawan ko nung marinig ang pamilyar na boses. Why is this girl here?!

"Oh?" agad akong kumuha ng towel at pinunasan ang mukha ko "What are you doing here?"

"Dito ako natulog.." mahina niyang sabi "May tanong si Shadow sayo.."

"What is it now?" nawawalang gana kong tanong at napanguso siya.

"Kailan daw kayo maglalaban.."

Bumuntong hininga ako "Ano bang problema niya? Alam ba niya ang salitang 'peace' o takaw gulo talaga siya?"

"Takaw gulo" natatawang sabi niya at maya-maya biglang sumeryoso ang mukha "Wag kang magpatalo ah? Dahil pag natalo ka ay may kapalit pa yan na utos galing sa kanya.."

Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko "P-Pag ako ang nanalo?"

"Ikaw ang mag-uutos sa kanya.."

"M-May nakatalo na ba sa kanya?" taas-kilay kong tanong.

Natawa siya "Wala pa eh.."

'Oh shit..'

"Maraming tao na ang namatay dahil sa mga utos niya.."

Napakamot ako sa ulo "Is he really that dangerous?"

"Hahaha.. sinabi mo pa"

'Nakakatawa ba yun?!'

Agad akong pumasok sa CR para maligo. Napakatanga mo naman Chris! Pumasok ka pa sa isang gulo na hindi mo naman matatakasan!

'May tyansa ka pa mamatay..'

'Ang saya!'

"Chris, suotin mo na ngayon ang official uniform ng School" utos saakin ni Principal Kyle.

Mga isang minuto lang tuloy yata ako naligo. Ngayon ko lang nalaman na parang na sa isang pormal na meeting ang uniform ng eskwelahan na yun. May sando na kulay puti sa loob at may susuot ka pa na kulay itim sa panlabas at kulay pula na tie! Para tuloy akong isang anime na character na pinapanood din ni Miya..

Kinuha ko ang pabango kong Acqua di Gio na paborito ko. Dahil sa pabango na 'to ay nagiging mas gwapo pa ang itsura ko..

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa hagdanan. Ningitian ko si Ashley na mukhang kanina pa din naghihintay sa baba. Kumunot ang noo ko nung nakatingin lang siya sa mukha ko at maya-maya nag thumbs-up.

"M-Mas gwapo ka pala pag suot mo na ang uniform mo.." natatawang sabi niya.

Ngumiti lang ako "I don't deserve to accept your compliment"

"Wow ah?"

Habang naglalakad kami papunta sa School. Nilalagyan ko ng gel ang buhok ko para pagkapasok ko palang sa entrance ay parang si Dao Min Si na ako hahaha.

"Ate Ashley? Parang tinamaan ka na sa Kuya ko ah?" narinig kong pang-aasar ni Miya sa kanya.

Bumuntong hininga ako "Ikaw ah? May boyfriend na ako"

'Saklap talaga..'

"Ku-"

Napalingon ako kay Miya "Shut up.."

"Pero Kuya naman eh! Yung tingin ni Ate Ashley sayo oh.."

Napalingon tuloy ako kay Ashley na nakatingin nga saakin "Makulit ka daw ka-Aw!"

The Fallen Kingdom: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon