Chapter 62 : Undercover

219 11 3
                                    

Miya's POV

'Ex girlfriend pala >_<'

"Si Kuya Shadow?" tanong ko naman. Lumaki ang mata ko nung hinagis niya ang isang bote papunta sa pader! Basag!

"Ako naman ang magtatanong" nababadtrip niyang sagot "You're done"

"A-Ah o-oo n-nga p-pala"

"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend o may boyfriend ka na?"

"Hindi pa ako nagkakaroon at wala akong since birth.. " mabilis kong sagot at sumalubong lang ang kilay niya "Kaano-ano mo si Shadow?"

"And why did you ask that?? Mukha ba kaming magkapatid?! Okay lang kung mag-ama. Ako ang anak at siya ang Tatay tss! He looks like his grandfather!" sunod-sunod niyang sabi.

"S-Siyempre L-Lolo niya yun eh"

"Tsk.."

"A-Ano nga?!"

"Kaagaw.. mortal enemy.. traitor.. manloloko.."

Nabigla ako sa lahat ng sinabi niya "Bilis! Tanungin mo na ako!" nagmamadali kong sabi.

'Madami pa akong gustong tanungin sayo.."

Nagtaka ako nung titig na titig siya saakin "A-Ayoko na! Y-You w-will k-know m-much.."

'Grabe ang pagkautal ah?'

"Luh! Ask me! Madaya!"

"S-Stop it.. a-ayoko na"

Hinila ko ang isang upuan at binigay sa kanya. Kanina pa kasi siya sa sahig. Madaming upuan naman "Sige na? Please? Pretty please.." nagmamakaawa kong sabi.

Bumuntong hininga siya "I don't open up my life to others.. hindi din kasi ako sanay na may nakikinig at sabihin ang mga problema ko.. pero.. a-ang kulit mo, Miya!" biglaan niyang sabi kaya nagulat ako at napakamot din siya sa uli. Siguro sa frustration hahaha! "U-Ugh! G-Ganito k-kasi yun.. a-ahh.. a-anak ng! Y-Yung d-dati.. u-um-"

"Tumigil ka na"

"H-Ha?"

"Nawawalan ako ng gana makipaglaro sayo" mahina kong sabi "I would rather listen to a fairytale story than listening to your hindi-matuloy-tuloy-story.." bahagyang napanguso siya at huminga ng malalim.

"Sorry, hindi talaga ako sanay na magsabi ng problema ko.."

"Mababawasan ang sakit na nararamdaman mo kung sinabi mo.." malumanay kong sabi. Dumiretso siya ng upo at patuloy na nakikinig "Pain can hurt and change you.. gawin mong example ang sarili mo" tumaas ang kilay niya at tinuro pa talaga ang sarili niya "Phoenix Dragonyle.. ang lalaking palangiti na may nasira pa lang puso.. don't hide that fact" ngumuso ako sa kanya pero pinitik niya ang labi ko!

"Damn! Laway!" nandidiri niyang sabi. Napairap ako sa kanya. Sino ba nagsabi na pitikin mo labi ko? "Really? Bakit mo alam na walang nakakaalam na break na kami ni Ashley?" nagtataka niyang tanong.

"Malakas lang pakiramdam ko.." nakanguso kong sabi at sinamaan niya ako ng tingin "Is that.. hindi ka showy.."

"Pero naramdaman mo?" sarkastiko niyang sabi.

Napangisi ako "Iba ako.." natawa pa siya ng mahina at sinamaan ko siya ng tingin "Bahala ka nga sa buhay mo! Kahit mamatay ka pa ngayon! Kakainis ka! Tinutulungan na nga kita!"

"Sino bang nagsabi tulungan mo ako?" natatawang sabi pa niya!

'Wow!!!'

Lalayasan ko na sana siya kaso nagulat lang ako nung narinig kong nagbagsakan ang mga libro! Napalingon agad ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi.

The Fallen Kingdom: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon