Chapter 65 : Trust Me

181 9 0
                                    

Miya's POV

"Kuya naman! Bakit ka nahimatay?!" pang labing siyam kong tanong sa kanya pero hindi man lang niya ako sinasagot!

"Miya? Can you please shut up? Tigilan mo muna ako.." walang gana niyang sabi at humiga sa kama ng clinic!

"Kuya naman eh! Sa tingin mo matutuwa pa ako sa mga ganyan mo? Imbes na matuwa ako nag-aalala ako sayo!" nakanguso kong sabi at maya-maya bigla siyang ngumiti.

"Miya? Naubos lang ang lakas ko.."

"Eh!? Bakit naubos?!"

"I used too much aura.." natatawa niyang sabi "Ginamit ko ang lakas ko sa walang kwentang bagay.."

"Why Kuya? Ano bang nangyari?"

"It's too complicated Miya.. ayokong masali ka pa"

"Tayo na nga lang ang magkakampi dito eh.." nakanguso kong sabi at niyakap siya ng sakto lang naman hehe "Please? Tell me?"

"Ayshh Miya! Mapapagkamalan tayong mag syota sa ginagawa mo!" inis niyang sabi "My problems will be only my problems, okay? I can solve my problems by myself.."

"Kuy-"

'Bastos..'

Nilayasan na lang niya ako!

'Huhuh-?'

Pagkalabas niya ay biglang pumasok si.. Ate Ashley? Mukhang hindi niya ako napansin dahil kanina pa siya lumilingon kahit saan na parang may hinahanap?

"Ate Ashley? Anong hinahanap mo?"

Napatalon pa siya at parang nagulat pa nang makita ako "K-Kanina ka pa diyan?"

"O-Opo?"

"A-Ah h-hehe? N-Nasaan si Chris?"

Nauutal? Weird.

"Kalalabas la-"

Nilayasan lang din niya ako katulad nang ginawa saakin ni Kuya. Bastus!

'Huhuh-?'

Nagulat ako nung biglang may kumakatok sa bintana. Pero imposibleng magkaroon ng tao..

May ibon.. Gosh? Si Phoenix pala 'to!

Binuksan ko ang bintana at mabilis siyang pumasok. Hindi man lang niya ako binati o tinapunan ng tingin. Nagtransform lang uli siya bilang tao at mabilis na sinarado ang bintana.

'May tinataguan ba 'to?'

Nagulat ako nung biglang tinulak niya ako papalabas at sinaraduhan ako ng pintuan! Bastos din pala 'tong isa na 'to!

"Huhuhu!" napaupo tuloy ako sa sahig at napakagat sa labi.

"Gago ka Phoenix! Sumakit ang pwet ko!" pasigaw kong sabi.

Natahimik na lang ako nang may narinig akong nagrarambulan sa loob. Pilit kong tumayo para buksan ang pintuan kaso..

"Don't.."

Napatalon ako sa gulat "Kuya Shadow? Anong ginagawa mo dito?"

"Just.. don't open the door" mahina ngunit seryoso niyang sabi.

"Pe-"

Siya ang bumukas ng pinto. Gusto ko sana silipin kung anong nangyari kaso hinarangan ni Kuya Shadow gamit ang kamay niya ang mukha ko!

"Dark Mages.." narinig kong bulong niya.

Mabilis niyang hinila ako papalayo. Umakyat kami sa hagdan at parang nasa 3rd floor agad kami.

The Fallen Kingdom: The New EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon