Chapter 3 : Sophia the Artificial Intelligence

2.1K 149 33
                                    

CHAPTER 3

NIANA'S POV






YEAR TWENTY FIFTEEN?

"Nasaan ba talaga ako? Past, future, none of the above?" pabulong na sabi ko sa sarili ko habang iginagala ang mga mata ko sa lugar.

Nagkaro'n na ng pader sa dinaanan ko kanina. The whole passage was blocked by solid cement and carved-glowing letters and numbers of YEAR 2015. Gustuhin ko mang bumalik sa bukana ng tunnel, huli na. Ang tangi ko na lang magagawa ay magpatuloy sa paglalakad at umasa na may hangganan ang tunnel na 'to.

Nakarinig ako ng mga yabag. Nage-echo 'yon sa lugar kung nasaan ako kaya sigurado ako na kung sino man ang may-ari no'n ay kasama ko rito sa loob ng tunnel. Tila papalayo ito sa akin kaya minabuti ko na sundan ito. Baka sakaling makalabas ako sa lagusan na 'to kung may iba pang tao rito bukod sa akin.

Unti-unti kong nakita ang liwanag sa dulo habang patuloy na naglalakad sa lagusan. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nawala na 'yung tunog ng naglalakad, marahil nakalabas na siya sa tunnel.

Dahil sa excitement ko, tumakbo na ako papunta sa dulo ng tunnel. Pero kahit takbo na ako nang takbo, hindi pa rin ako makalabas at hindi ko pa rin marating ang dulo. Sobrang weird pero ang pakiramdam ko, sa tuwing lalapit ako, lalayo naman ito kaya hindi pa rin ako makalabas. Kinabahan tuloy ako. Naisip ko na baka hindi na ako makalabas dito.

Pero visions ko lang naman ito 'di ba?

Mula sa gilid ng lagusan, unti-unting nagkaro'n ng bitak ang pader hanggang sa tuluyang mabaklas ang semento nito. Napaatras pa ako dahil sa takot na baka matalsikan ako ng mga tipak ng bato na isa-isang nagliliparan mula sa pader. Pero ang nakapagtataka, hindi man lang naapektuhan ang buong tunnel sa pagguhong nangyari sa gilid nito gayong dapat ay bumagsak na ang pundasyon ng lagusan.

May liwanag na nagmula sa pader na nasira. Dahil sa alikabok na dulot ng mga batong nagpira-piraso, hindi ko agad nalaman kung anong meron. Naisip ko na baka kusang gumawa ng daan ang lagusan para makalabas na ako rito—although it's absurd, hindi ko inalis ang posibilidad na 'yon.

Dahan-dahan akong lumapit sa liwanag. Maingat dahil baka may bumagsak na bato at mabagsakan ako.

Nang makalapit ako, unti-unting nag-adjust ang mga mata ko sa liwanag. Pero mas lalo lang akong naguluhan nang makita ang kakaibang lugar na tumambad sa akin at panibagong kumpulan ng mga tao. From a total silence, dahan-dahang nagkaro'n ng ingay sa lugar mula sa mga taong nag-uusap at nagbubulungan.

Parang nasa isa akong press conference dahil marami ulit media. May stage rin sa gitna ng malaking hall. Hindi ko alam kung paano nagkaro'n ng hall sa gilid ng tunnel pero marahil transition ito sa future ng kung sino man.

"—you are now here at Austin, Texas, United States," banggit ng isang lalaki na nasa stage. Engrande ang kabuuan ng entablado at halatang pinaghirapan bago mabuo. May mga nakahilera't nakaupo ring mga panauhin sa stage. "Today is March 15, 2016. Hanson Robotics wants us to meet, Sophia," magalang at naka-ngiting saad ng lalaking emcee bago sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga tao pati na rin ang mga panauhin sa likuran niya.

Umalis siya sa harapan kasabay nang pagtayo ng isang lalaking nasa likuran niya na isa sa mga panauhin. Nakipagkamay siya rito at nagpalitan sila ng mga ngiti bago ibinigay ng emcee ang mic sa kinamayan niya. Pamilyar ang lalaki. Kung tama ako, siya rin 'yong kaninang pinagkakaguluhan ng mga reporter sa tapat ng gusali ng Hanson Robotics pero may nagbago sa features ng mukha niya.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon