Chapter 23 : Can't Read

675 69 8
                                    

CHAPTER 23

MIDORI'S POV






"MANONG PARA HO!"

Hindi huminto 'yong sinasakyan kong jeep kahit ilang ulit na akong pumara. Nakalayo na rin ako sa dapat bababaan ko pero hindi pa rin ito humihinto.

"Manong putangina para po!" sigaw ko. Halos mapigtas ang litid ko sa leeg para lang masiguro na narinig na niya ang pagpara ko.

Bigla namang huminto ang jeep dahilan para mawalan lahat ng pasahero ng balanse. Narinig ko pa ang mga reklamo ng mga pasahero sa isip nila dahil ang ilan na umiidlip ay nagising nang biglang pumreno 'yong sinasakyan namin.

Lumingon sa akin 'yong driver, masama ang mga tingin na ipinukol sa akin.

"Hoy bata! Hindi ako bingi para sigawan mo! Bastos! Minura mo pa ako pukinangina ka!" sigaw no'ng driver pero 'di ko na siya pinansin. Wala na rin namang kwenta kung sasagutin ko pa siya eh nakababa naman na ako sa amoy anghit niyang jeep.

Nakakainis!

Naiimbyerna ako sa driver na 'yon. Sinira niya ang maganda kong hapon. Lalo pa't sobrang layo ng binabaan niya sa 'kin. 'Di raw siya bingi. Ano 'yon? Deaf lang siya gano'n?

Ang hindi niya alam, kanina ko pa naririnig 'yong nasa utak niya at tinigilan ko rin kaagad dahil sobrang nandidiri ako. Puro kamanyakan ang alam ng driver. Hindi nga siya bingi, out of the Earth naman ang utak niyang hayop siya. Akala niya siguro ayos lang ang pagtitig niya sa kasabay kong babae na maiksi ang soot. Ang utak manyakis, kahit balot pa man ang katawan mo, manyakis pa rin!

Nagpasya ako na sundan si Niana sa ospital kung saan siya dinala dahil kinansela na ang klase namin. Nagpatawag ulit ng huling meeting ang faculty kaya nagdesisyon na lang sila na pauwiin na kaming mga estudyante. Mabuti na rin 'yon dahil wala na rin naman kaming ginagawa.

Sa oras talaga na makita ko si Niana at gising na siya, ikukwento ko sa kaniya kung anong mga na-miss niyang latest happenings.

Dinala siya sa isang private hospital na sampung minuto ang layo mula sa school namin. Dapat lalakarin ko na lang eh kaso kahit hapon na ay mainit pa rin at masakit sa balat ang tama ng araw. Kung alam ko lang din na manyak pala ang driver ng masasakyan kong jeep, sana pala nilakad ko na lang talaga 'yong papunta sa ospital.

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa lobby ng ospital dahil ang layo nang nilakad ko pabalik.

Tinanong ko agad kung saan ang room ni Niana sa front desk at ang sabi ay sa tenth floor pa kaya dumiretso akong sumakay sa elevator.

Lima kami sa loob ng elevator. May dalawang lalaki na naguusap at mag-ina; isang batang babae at isang matandang babae na nakakapit sa balikat ng bata. Naunang bumaba ang dalawang lalaki pagdating sa seventh floor. Pagkatapos bumaba naman sa ninth floor 'yong mag-ina bago ako tuluyang bumaba sa ikasampung palapag ng ospital.

Nang makababa sa elevator hinanap ko agad ang room number na sinabi sa akin ng nasa front desk kanina.

Ilang segundo lang nasa tapat na ako ng kwarto ni Niana.

Kumatok muna ako bago dahan-dahang pinihit ang doorknob. Maingat akong pumasok sa loob ng kwarto dahil tahimik sa loob. I assumed na natutulog pa rin si Niana kaya mas minabuti ko na huwag gumawa ng kahit anong ingay.

Nadatnan ko ang mama ni Niana na nakaupo sa sofa, nagbabasa ng magazine. Marahil tinawagan siya ng nurse o ng university para ipaalam ang nangyari sa anak niya.

Nang maramdaman niya ang pagdating ko, binaba niya ang binabasa niyang magazine at tumingin sa akin.

"Kumusta po si Niana?" tanong ko bago ko ibaba ang bag ko sa upuan na katabi ng table, sa gilid lang mismo ng kama ni Niana.

"Sabi ng doktor, bumaba naman na daw 'yong lagnat niya at kailangan na lang niya mag-stay dito for a day bago siya ma-discharge. Kailangan pa raw nila i-monitor ang lagay niya pero stable naman na siya," nakangiting sabi ni Tita Hazel.

"Ano raw po bang nangyari sa kaniya?"

"Sabi nila baka raw na-stress siya o may nakain sa canteen niyo. Ikaw nga sana ang tatanungin ko kung may nangyari ba sa school niyo o may kinain ba siya habang nasa school," ani Tita Hazel.

"Hindi naman po siya kumain, malabo po iyon dahil pagkatapos niya pong isugod sa ospital tsaka lang po kami nag-recess. Siguro napagod lang po siya dahil . . ."

Napahinto ako nang maalala 'yong mga sinabi sa akin ni Niana na nakikita niya. Hindi alam ng mga magulang namin ang tungkol sa sixth sense namin, for sure hindi sila maniniwala kahit magulang pa namin sila. Kaya nilihim na lang namin ni Niana ang tungkol dito.

"Dahil?" Napatingin naman ako sa mama ni Niana na naghihintay ng sagot.

"Dahil sobrang hirap po ng topic namin sa subject," palusot ko bago pilit na tumawa.

"Gano'n ba?" Tumango naman ako bago tingnan ang mukha ni Niana. I avoid to make any conversation sa mama niya. Baka may masabi pa akong mali.

Sinubukan kong pakinggan ulit 'yong nasa isip ni Niana, pero gaya kanina hindi ko pa rin marinig 'yong nasa utak niya at tila hinaharangan pa rin ng kung ano ang kakayahan ko. Ngayong araw lang talaga nangyari na hindi ko marinig ang nasa isip niya.

Lalo tuloy akong nag-aalala.

Kung may kinalaman nga ang sixth sense niya kaya siya nagkaganito, marahil hindi na kinaya ng katawan at isip niya ang mga nakikita niya. Baka kailangan lang niya magpahinga.

"Midori, nag-merienda ka na ba?" tanong sa akin ng mama ni Niana.

Napatingin ako kay Tita Hazel. Nagbabasa na ulit siya ng magazine na hawak niya kanina.

"Hindi pa po."

"Are you fine with pizza?" nakangiting sabi ni tita bago niya iangat ang tingin sa akin. Tumango na lang ako at ngumiti rin bilang sagot.

"Fine na fine, tita! Thanks po—-add some fries na lang po," sabi ko. "Tsaka coke," dagdag ko naman bago mapangiti.

Humagikgik naman si Tita Hazel bago mag-dial ng numero para magpa-deliver.

Muli kong binalik ang mga tingin ko kay Niana. Hindi ko napigilang mapa-buntonghininga.

Ano kayang nasa isip niya ngayon?

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon