Chapter 14 : End of Humanity

899 77 10
                                    

CHAPTER 14

NIANA'S POV






"N-NAKIKITA mo ako?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Opo—? Ikaw lang at ako ang tao rito." Tumalikod ulit siya sa akin bago maghilamos ng mukha. "Nakakagulat ka naman po," aniya bago mahinang tumawa.

Umukit ang kunot sa noo ko. "Sure ka? Nakikita mo talaga ako?"

"Hindi po ba dapat kita nakikita?" natatawa niyang tanong.

"Artificial intelligence ka ba?"

"Po?"

"Robot ka ba?"

"Hindi—"

Gusto sana sabihin sa kaniya na kanina ko pa talaga sila sinusundan ni Kean. Gusto ko sabihin sa kaniya na galing ako sa past at hindi niya dapat ako nakikita dahil vision ko lang 'to. Pero sigurado ako na kung hindi man siya mag-freakout, for sure mawiwirduhan siya sa akin.

"Ah." Napangiti ako nang wala sa oras dahil tinititigan niya pala ako. Siguro iniisip na niya ngayon na nababaliw ako. "Sorry sa biglang pagsulpot. Nagulat yata kita," sabi ko bago pilit na tumawa. Naghilamos din ako at nagbasa ng mukha, baka sakaling pagtingin ko sa paligid ko kapag minulat ko ang mga mata ko, nasa classroom na ulit ako.

Pero pagdilat ko nasa tabi ko pa rin si Rhianne.

Nakarinig kami ng malakas na hiyaw mula sa labas ng banyo. Naunang tumakbo si Rhianne palabas at sinundan kung nasaan ang hiyawan kaya napatakbo rin ako at sumunod sa kaniya. Dumadagundong at dibdib ko habang papalapit kami nang papalapit kung nasaan ang mga survivor, kung saan si Rico at si Rhianne naguusap kanina bago kami pumunta sa banyo.

Agad akong napaiwas nang may tumilapon na upuan. Tsaka ko lang napansin na tumatagos pa rin sa akin ang mga ito kahit pa nakikita na ako ni Rhianne.

Naging malinaw din sa amin na ang dahilan ng hiyawan at sigawan ay dahil may mga infected na nakapasok sa loob ng silid.

Marami sila at patuloy sa pagdagsa kaya wala kaming nagawa ni Rhianne kundi ang bumalik sa banyo. Pero mukhang maling desisyon yata 'yon dahil na-corner kami ng isang infected at agad nitong tinalunan si Rhianne. Dinaganan siya ng infected!.

"'Wag kang titingin sa mga mata niya!" pagpapaalala ko sa kaniya. Sigurado ako na si Rhianne lang ang nakakakita sa akin dahil katabi ko lang siya ngayon pero hindi ako nakikita ng infected. Bagkus, pinipilit nito na matitigan ni Rhianne ang mga mata niya kaya ilang beses niyang kinalmot si Rhianne.

Madiin na ipinikit ni Rhianne ang mga mata niya kaya natataranta akong lumabas ng banyo.

Hindi ko alam kung paano ako makakatulong sa mga oras na 'to o gagana ba ang nasa isip ko pero kailangan kong subukan.

Kinuha ko 'yong upuan na tumalsik kanina at hindi ko inaakala na mabubuhat ko nga ito. Walang nakapansin sa lumulutang na upuan dahil ang lahat ay busy sa pagtakbo para sa mga buhay nila. Imbis na mamangha kung paano ko nagawang buhatin ang upuan gayong nasa vision lang ako, agad akong tumakbo pabalik sa banyo at hinampas ang lahat ng madadaanan kong infected.

Ngalay na ngalay ako nang makarating ako sa banyo.

Bumwelo ako at malakas na hinampas ang upuan sa nakapatong kay Rhianne na infected. Nasira ang upuan dahil sa lakas nang pagkakahampas ko.

"Rhianne?" Hinawakan ko si Rhianne sa magkabilang balikat nito at inalalayan siyang tumayo. "Rhianne ayos na!" sabi ko bago siya dumilat. Nang mapatingin siya sa akin ay napaluha siya, lalo pa nang mapatingin siya sa likuran namin kaya agad akong kinabahan at napatingin din sa likuran ko.

Alam kong hindi ako nakikita ng kumpulan ng mga infected na nagsisiksikan at naguunahang makapasok ngayon sa pintuan, dahilan para wala ni isa sa kanila ang makapasok—pero ako ang kinakabahan para sa kaligtasan ni Rhianne.

Kailangan naming mag-isip agad kung anong gagawin namin bago pa may isa sa mga infected na makapasok.

Nilibot ko ang tingin ko sa banyo hanggang sa mapatingin ako sa maliit na butas na nasa bandang itaas na pader katabi ng huling cubicle. Hugis parisukat ito at sa tantsa ko, kasya ang isang tao rito.

"A-ano nang gagawin n-natin!?" histerikal na tanong ni Rhianne habang pinagmamasdan ang mga infected na nasa labas ng banyo. Hindi ko alam kung dapat ba kami magpasalamat na hindi pa rin sila nakakapasok sa loob dahil tila na-stuck ang mga ito at gumawa ng sarili nilang harang, o dapat na kaming kabahan dahil ilang minuto mula ngayon maaari na silang makapasok sa banyo.

"Tingnan mo!" sabi ko sabay turo sa may bintana, sa maliit na butas na nakita ko. "Dalian mo na! Bilisan mo!" natataranta kong sabi sa kaniya bago ko siya itulak papunta sa huling cubicle.

"Paano ka?" tanong niya sa akin nang pumwesto na ako para alalayan at tulungan siyang maabot ang bintana.

"Hindi mo ako kailangang intindihin. Intindihin mo ang sarili mo at kung paano ka makaka-survive rito. Bilisan mo na!" pasigaw kong sabi sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi ko.

Mabilis na umakyat si Rhianne sa likuran ko. May kabigatan siya pero hindi ko ito alintana. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano ko siya biglang nahahawakan at kung paano niya ako bilang nakikita.

"H-hindi ko maabot," sabi niya. Akmang bababa na siya nang dahan-dahan ko pang iangat ang likuran ko. Marahan kong itinuwid ang mga hita ko para kahit papaano ay tumaas pa siya.

"Abot mo na?" tanong ko. Naramdaman kong gumaan ang likod ko dahan-dahan hanggang sa wala na akong naramdaman na nakasakay sa likuran ko.

Tuluyan nang nakapasok ang mga infected pero wala na silang naabutan na tao sa loob ng banyo. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil saktong-sakto sa paglabas ni Rhianne sa bintana ang pagpasok ng mga infected. Kung na-late kami nang ilang segundo lang, marahil naabutan na siya ng mga infected.

Saglit na umikot ang paligid ko. Sandali rin akong nanatili sa kadiliman bago ko namalayan ang sarili ko na nasa isang terrace—hindi ko alam kung paano, pero marahil para sundan ang kwento ni Rhianne matapos niyang lumabas sa bintana.

Mukhang tama ang hinala ko dahil napansin ko si Rhianne sa tabi ko. Diretso siyang nakatingin kaya sinundan ko rin ang tingin niya.

Dahil nasa terrace kami, kitang-kita ang malawak na espasyo mula rito sa kinatatayuan namin. Ang pinsala na dinulot ng infection sa mga tao. Ang mga dumadaan na jet at helicopter sa langit para tingnan ang damage sa surface at marahil maghatid tulong o suyurin ang bawat sulok ng lugar sa pag-asang may survivors pa na natitira.

Maraming infected na nakakalat. Ang ingay na lang na nagmumula sa kanila ang ingay na maririnig bukod sa ingay ng baril at pampasabog sa 'di kalayuan. Sa oras na 'to, posibleng naka-declare na ang state of emergency sa bawat bansa sa mundo.

Nagulat ako nang makarinig ng malakas na pagsabog ilang segundo lang mula nang makita ko ang pagbagsak ng isang helicopter. Susunduin dapat nito ang mga nalalabing survivor sa rooftop ng isang gusali pero hindi agad ito nakalipad. Mabilis na na-occupy ng mga infected ang helicopter kaya ilang segundo matapos nito lumipad sa ere, bumagsak din agad ito.

Napatingin ako kay Rhianne.

Inaamin kong nagulat ako at dismayado nang makitang infected na rin pala siya. Nailigtas ko man siya sa banyo kanina, mukhang hindi naman niya nagawang protektahan ang sarili niya nang makalabas siya sa bintana.

Nakakapanlumong malaman na dahil sa inaakala ng iba na kaartehan lang—ang depresyon—mauuwi sa ganito ang lahat. Sooner or later, should the experts and authorities fail to produce a cure, this will end humanity.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ito ang second possibility of the end gaya ng turo ni Sir Jim.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon